Last Saturday, my brother, his wife and I went to our little 168 mall here in Lucena, ang Unitop weheheheh we call it "U-T" para di halatang mamimili kami ng mumurahing gamit wehhehehe.
But before that, nag-Pacific Mall muna kami. Dumaan sa CD-R King at bumili ng mp3 player, gift for my brother's goddaughter (Kate). Ang mura na ng mga MP3 player at mga USB dongle no? Yung dating one thousand plus ang amount, ngayon ay 200 na lang wahehheheh.
Ayun, bumili sila ng 2GB mp3 player (with FM radio, voice recorder, e-book reader, at phonebook) worth 600+ lang (san ka pa!) Ang mura no? Kaya nainggit ako at bumili ng 4GB na mp3 player (black) yun nga lang di ko na-check mabuti kaya di ko napansin na may mahabang line sa LCD nya. Ibabalik ko yun bukas at papapalitan.
Bumili na din ako ng Memory Card reader worth 160 weheheheh. Mumurahin, ganun talaga pag naghihirap.. magtyatyaga lang sa ganung klaseng mga gamit.
Next stop, UT. Sa sobrang mura ng mga binebenta, kahit di talaga kailangan ay napapabili ako (Siguro ganun din yung iba).
Ang mura ng mga stationary kaya halos binili na lahat ng ate ko yung magaganda at ipangreregalo daw nya sa officemates nya. 6.50 lang pero mukhang 30 pesos sya whehehehe.
Ako naman, bumili lang ng plastic layer at aluminum bowl for our dogs (kainan nila) nakatipid ako ng halos 300. Kung bibilhin ko kasi yun sa SM o sa iba, yung plastic layer pa lang baka 350 na (4 layers yun at matibay naman) tapos yung kainan ng aso ay 80 ang isa x 3 = 240 pero 17 pesos lang ang isa (laking tipid!) Bumili din ako ng construction paper worth 170. Siguro mga 300+ yun sa National Bookstore. Ipapa-cut ko na lang yun at gagawing memo pad (pwede din i-regalo sa iba wehhehehe)
Laking tipid!
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
Post a Comment