Inaasahan na namin ito--ang pagdagsa ng mga namamasko ngayon.
Mga batang halos kita na ang ngala-ngala sa pagsigaw ng "Magandang Pasko nga po!"
Noon, kami ay ilan sa mga bukas-palad na marunong mamahagi ng kaunting pera sa mga namamasko. Pero ngayon, hindi na. Di naman sa ayaw nang magbigay, kung hindi parang naging negosyo na sa ilan ang pamamasko at halos hilahin na ng mga magulang ang kanilang mga anak (kahit umuulan ha!) makapamasko lang.
Noon kasi, ang mga namamasko sa amin ay mga kilala namin. O kahit di kilala, mga bata lang. Kumbaga, kaligayahan ang dulot noon. Ngayon, parang di ka na matutuwa kung hindi maiinis ka lalo na kung nagbigay ka na pero sasabihan ka pang kuripot.
Mga kilala lang namin halos ang binibigyan at mga inaanak.
Kanina, habang nagpapakain ako kay Poknat (ang aso kong war freak), may dalawang ale at siguro tatlong bata ang napatapat sa bahay namin. Magandang pasko daw. Since wala talaga akong maiaabot (dahil nahiram na ang pera ko at alangan namang magpabarya pa ako) sabi ko "Pasensya na po, inaanak lang." Umapila pa ang ale, "Kahit bigas?" Nyeee limos na ang hinihingi. Tiningnan ko pero parang hindi naman sila yung klase ng tao na naghihikahos (mukhang bago pa nga ang damit).
Meron namang mga bata na halos pabulyaw (as in pagalit) ang pagsasabi ng magandang pasko para lang mapansin sila.
Meron pang isang grupo na pati baby ay dala-dala sa gitna ng ulan para mamasko. Grabe!
Naiintindihan ko. Minsan kelangan gawin para may maidagdag sa panggastos. Pero ang gamitin ang mga bata, mali na yun.
Sabi ko nga, kung mga bata maaari pang bigyan. Pero kung gagamitin ng mga matatanda para pagkakitaan. Pasensya na ngunit di namin ito-tolerate ang ganun.
Sa susunod na Pasko, kung makakaluwag, mag-iisip ako ng paraan para di na lang pera ang ibibigay at para sa bata lang.
creepsilog
5 years ago
Post a Comment