And so this is Christmas, and what have you done?
Di ba kanta yan? Ah oo! Ako? Anong nagawa ko? Eto nag-aalaga ng bata wahehhehehehe.
Gumawa ako ng regalo at tumanggap ng regalo. Take note: "Gumawa."
O eto ang ilan sa mga regalong natanggap ko... kung anong laman? Sikret!!! Kung anu-ano lang waheheheheh.
At heto naman ang ilan sa mga gips ko na ginawa.. di nyo naisip yan no?! bleh! Syempre, ako lang ang may utak na kakaiba na iisip na magregalo ng ganyan wakokokoko.
ayun lang .. kung panget, weno .. inggit ka lang! hekhekhek
Gifts-Gifts-Gifts
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsOfficial Blog
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsToday marks the beginning of my personal blog (aside from my very first post about kletmakulet).
So I welcome anybody who will be redirected in this area. I do hope that you will enjoy my posts.
Have a nice day!
"Happy Feast Day of the Miraculous Medal"
Klet Makulet
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsAng tao ay madalas mag-isip ng advance. Nagpa-plano ng mga bagay-bagay sa buhay katulad ng nais na kursong kukunin sa kolehiyo, pagpapamilya, trabaho, dami ng anak, negosyo o raket na papatusin o kaya naman pangalan ng mga magiging anak.
Ang huli ang napagtuunan ko ng pansin nang minsang nasa corridor ako ng eskwelahan namin.
Ang sabi ko sa sarili ko, gusto kong maging kakaiba ang pangalan ng anak ko, hindi man nag-iisang meron nito, basta parang matapang na cute o pangalang mayaman man lang.
Naunang pumasok sa isip ko ang letter "K" kahit na ang paborito kong letter ay "J." Kara, Klen, Karla... Ngayon, "M" na ang gusto ko hehehe Marielle, Marla, Marion, Marel, Marlea at kung anu-ano pang M na naiisip ko.
Balik tayo sa pangalan na nagsisimula sa K. Nasa jeep na ako noon, nakatingin ako sa daan pero tagos-tagusan ang tingin ko habang nag-iisip pa din ako sa pangalang maibibinyag ko sa kawawang mga magiging anak ko.
Nafocus ako sa Klen, Klint at Klet. Paulit-ulit sa isip ko ang mga pangalan na yan hanggang sa umuso ang internet kahit saang lupalop ng linang man ako naroon ngayon.
Bagay daw sa akin. Makulit daw ako. Ako, makulit? Hindi kaya! Akala nyo lang yun! Guni-guni nyo lang ang mga bagay bagay na inaakala nyong sinasabi ko sa inyo kaya naisip nyo yun!
O sige na nga, konti lang. Minsan lang naman yun. Lalo na pag wala akong magawa, maisip na gawin, makausap, gutom, may tama, topak, baliw, puyat, at wala sa tamang huwisyo.
Ngayon. Sa ngalan ng kapangyarihan na ibinigay sa akin ng aking sarili, binibindisyunan ko ang blog na ito bilang Klet Makulet, kung saan maglalaro at iikot ang mga magulo, malikot, maharot, maasim, walang kwenta at minsan ay makulit na pag-iisip ng isang taong nagngangalang si Mariklet or Klet Makulet for short.
Inaanyayahan ko kayong lahat (kung meron mang maligaw) na makisalo sa aking mala-time space warp na buhay.
Depinisyon ng mga salita ayon kay Klet:
Linang - salitang tumutukoy sa liblib na lugar.
Liblib- lugar na medyo tago o malayo sa kabihasnan.
Kabihasnan - sibilisasyon
Sibilisasyon - alam mo na yon!
Time Space Warp - paboritong lugar ni Ida na secretaryang bading ni Fuma Lei Ar kung saan madalas maka-date ng mga halimaw nila si Shaider, ang Pulis Pangkalawakan, at doon din nagtatapos ang kanilang maikling pagkikita dahil pinapatay din sila ni Alexis a.k.a. Shaider.
Shaider - Pulis Pangkalawakan, siya si Alexis na partner si Annie na kita lagi ang puting panty dahil maikli ang palda.
Annie - ang babaeng nagpauso ng maikling palda na kita ang puting panty.
to be continued...