this on Facebook!

Gifts-Gifts-Gifts

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

And so this is Christmas, and what have you done?

Di ba kanta yan? Ah oo! Ako? Anong nagawa ko? Eto nag-aalaga ng bata wahehhehehehe.

Gumawa ako ng regalo at tumanggap ng regalo. Take note: "Gumawa."

O eto ang ilan sa mga regalong natanggap ko... kung anong laman? Sikret!!! Kung anu-ano lang waheheheheh.


At heto naman ang ilan sa mga gips ko na ginawa.. di nyo naisip yan no?! bleh! Syempre, ako lang ang may utak na kakaiba na iisip na magregalo ng ganyan wakokokoko.



ayun lang .. kung panget, weno .. inggit ka lang! hekhekhek


Magandang Pasko nga Po!!!!!

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Inaasahan na namin ito--ang pagdagsa ng mga namamasko ngayon.

Mga batang halos kita na ang ngala-ngala sa pagsigaw ng "Magandang Pasko nga po!"

Noon, kami ay ilan sa mga bukas-palad na marunong mamahagi ng kaunting pera sa mga namamasko. Pero ngayon, hindi na. Di naman sa ayaw nang magbigay, kung hindi parang naging negosyo na sa ilan ang pamamasko at halos hilahin na ng mga magulang ang kanilang mga anak (kahit umuulan ha!) makapamasko lang.

Noon kasi, ang mga namamasko sa amin ay mga kilala namin. O kahit di kilala, mga bata lang. Kumbaga, kaligayahan ang dulot noon. Ngayon, parang di ka na matutuwa kung hindi maiinis ka lalo na kung nagbigay ka na pero sasabihan ka pang kuripot.

Mga kilala lang namin halos ang binibigyan at mga inaanak.

Kanina, habang nagpapakain ako kay Poknat (ang aso kong war freak), may dalawang ale at siguro tatlong bata ang napatapat sa bahay namin. Magandang pasko daw. Since wala talaga akong maiaabot (dahil nahiram na ang pera ko at alangan namang magpabarya pa ako) sabi ko "Pasensya na po, inaanak lang." Umapila pa ang ale, "Kahit bigas?" Nyeee limos na ang hinihingi. Tiningnan ko pero parang hindi naman sila yung klase ng tao na naghihikahos (mukhang bago pa nga ang damit).

Meron namang mga bata na halos pabulyaw (as in pagalit) ang pagsasabi ng magandang pasko para lang mapansin sila.

Meron pang isang grupo na pati baby ay dala-dala sa gitna ng ulan para mamasko. Grabe!

Naiintindihan ko. Minsan kelangan gawin para may maidagdag sa panggastos. Pero ang gamitin ang mga bata, mali na yun.

Sabi ko nga, kung mga bata maaari pang bigyan. Pero kung gagamitin ng mga matatanda para pagkakitaan. Pasensya na ngunit di namin ito-tolerate ang ganun.

Sa susunod na Pasko, kung makakaluwag, mag-iisip ako ng paraan para di na lang pera ang ibibigay at para sa bata lang.


Happy Birthday Mother!

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Pang-23 ang post na ito. Nakalimutan ko lang kasi may kinarir akong forum wahehhehehe.

Usapan namin ng kapatid ko na maghahati kami sa gagastusin sa birthday ng mother namin. Kakain kami sa labas at kami ang manlilibre. Planado na. Pero tinopak ako. Nilapitan ko ang mother namin at tinanong ko kung saan kami sa birthday nya at magpakain naman sya.


Aba, akalain mo kumagat sa biro ko. Nalibre tuloy kami na manlilibre sa kanya wahehehehe.

Nakipagsiksikan kami sa mall para mamili ng grocery tapos kumain kami sa KEPSI (KFC). Ang utak ng kapatid ko, yung mamahalin ang pinili at maraming fixins topak talaga. Napagastos ng sobra ang mother namin sa pagkain. Lampas sa budget nya wakokokoko.

Nakahabol naman kami sa simbang gabi. Nangungulit kami na sana i-announce yung birthday nya. Kaso, natapos na yung misa ay di man lang sya nakantahan. Pero nakasimple kaming mai-chismis na birthday nya kaya may nag-greet sa kanya pati si father ay na-bless pa sya. O divah?!

Sana pag-uwi ni ate (asawa ni kuya) ay makapagtreat na kami kay mama. nakakahiya din naman kasi.

So ayun lang. Happy Birthday Mama!


Grand Eyeball

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Naks! Parang talagang Grand EB ang mangyayari. Palibhasa kasi ngayon lang ako maglaladlad sa madaming tao pagkatapos ng matagal na panahon (wahehehehehe).

Sa darating na December 27 ay mag-fi-field trip akong mag-isa bandang Metro Manila at makikipagkita sa mga adiktus supremo (Ang Adiktus Supremo ay isang grupo ng mga forumer na dati ay super addict sa isang forum at madalas addict din sa kitikitext.)

Sa pagpapatuloy. Dati ko nang na-meet ang apat sa kanila (si teng, estong, libay at uno), ang bago kong makikilala at paglaladlaran ay sina ilyn at si ... si ... ay wala na pala si Ms. Mabini lang pala (toingks!)

Heto ang problema ko. Nakalimutan ko na kung paanong lumuwas ng Maynila ng mag-isa. Buti na lamang at sa Mega Mall kami mag-a-eye-to-eye ng mga baklush.

Isa sa pinakadahilan ko kung bakit ko susuungin ang isang malaking challenge na ito (ang pagluwas ng mag-isa) ay dahil 1) inaamag na ang exchange gift namin ni Teng 2) Inaamag na ang pasalubong ni Kuya Geoff (Dayatot) kay Ilyn at baka ibigay pa kay Kisses nya wheheheh 3) may manlilibre sana ng KFC bucket meal kaya lang nagkataong may naunang date (hmp! takot lang magastusan ng 500 wahehhe) 4) Wala na yatang dahilan. Tama na muna hekhek. Basta marami pang iba.

Sa ngayon, iniinsomia ako sa kakaisip kung saan ako pupulot ng pamasahe dahil naubos na ang 13th month pay ko at ang buong sweldo ko na advance nang ibinigay sa amin ahuhuhuhu.

Sana may mag-sponsor sa akin (sipol) at mabigyan ako ng libreng sakay at pagkain weeeee.

Sa ngayon, yun lamang muna at sana maalala kong ikwento dito ang masaklap kong magiging kapalaran sa Maynila weheheh.


Christmas Party: Retro

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

When we say Retro, it's like a fashion from the past.

And that is what our Christmas Party theme for this year, Retro look.

I was a bit reluctant to follow what they've said kasi ba naman alam kong madaming KJ (kill joy) at di susunod sa usapan na dapat isuot.

Anyway, 80% were in their retro fashion and we all admire those who put much effort para lang maging makatotohanan ang pagiging retro nila (isa na yata ako dun heheheh.)

Suggestion ko lang kahit huli na ang lahat, sana 50s, 60s and 70s din sana ang tugtog. Paano ba naman Soulja Boy, The Ayer, Low... Inaasahan ko kasi yung mga kanta ng Bee Gees like Night Fever, Staying alive, tugtog ng VST & Co. at iba pa.

Magiging puro reklamo na ito kung isasama ko pa ang food lalo na ang caterer. Pero tapos na yun .. tama na. Ang masasabi ko lang, NAUBUSAN KAMI NG PAGKAIN tsk!

Congratulations to our masters of ceremony Sir EM and Sir EM (pareho palang EM yun hahaha kaya pala parehong loko-loko.) Masaya ang party dahil napakagaling nilang mag-entertain. They were like stand-up comedians na magaling mang-okray ng mga nanonood at magaling sa mga punchlines.

Games. The "Hep, hep, hooray!" thing is still in and we even changed it to "hooray! hep-hep" just to make it even more difficult.

The IT group were so generous to give away 10 (2GB) flash drives in one of their games. Sayang!

All in all, nag-enjoy ako. Sana, nag-enjoy din kayo sa mga Christmas Party nyo.

----------------------------------

Kanina, may Christmas party din kami (sa mga support staff naman) medyo naging copycat lang ng konti ang mga M.C. dahil siguro they were trying to get the same effect that the 2 EMs get yesterday.

Thanks to the exchange gift even if we didn't win again in the raffle draw. May ilang taon pa akong itatagal dun hehehehe.

Yun lang at antok na ako (*bow*)


Bagong gamit

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Last Saturday, my brother, his wife and I went to our little 168 mall here in Lucena, ang Unitop weheheheh we call it "U-T" para di halatang mamimili kami ng mumurahing gamit wehhehehe.

But before that, nag-Pacific Mall muna kami. Dumaan sa CD-R King at bumili ng mp3 player, gift for my brother's goddaughter (Kate). Ang mura na ng mga MP3 player at mga USB dongle no? Yung dating one thousand plus ang amount, ngayon ay 200 na lang wahehheheh.

Ayun, bumili sila ng 2GB mp3 player (with FM radio, voice recorder, e-book reader, at phonebook) worth 600+ lang (san ka pa!) Ang mura no? Kaya nainggit ako at bumili ng 4GB na mp3 player (black) yun nga lang di ko na-check mabuti kaya di ko napansin na may mahabang line sa LCD nya. Ibabalik ko yun bukas at papapalitan.

Bumili na din ako ng Memory Card reader worth 160 weheheheh. Mumurahin, ganun talaga pag naghihirap.. magtyatyaga lang sa ganung klaseng mga gamit.

Next stop, UT. Sa sobrang mura ng mga binebenta, kahit di talaga kailangan ay napapabili ako (Siguro ganun din yung iba).

Ang mura ng mga stationary kaya halos binili na lahat ng ate ko yung magaganda at ipangreregalo daw nya sa officemates nya. 6.50 lang pero mukhang 30 pesos sya whehehehe.

Ako naman, bumili lang ng plastic layer at aluminum bowl for our dogs (kainan nila) nakatipid ako ng halos 300. Kung bibilhin ko kasi yun sa SM o sa iba, yung plastic layer pa lang baka 350 na (4 layers yun at matibay naman) tapos yung kainan ng aso ay 80 ang isa x 3 = 240 pero 17 pesos lang ang isa (laking tipid!) Bumili din ako ng construction paper worth 170. Siguro mga 300+ yun sa National Bookstore. Ipapa-cut ko na lang yun at gagawing memo pad (pwede din i-regalo sa iba wehhehehe)

Laking tipid!


Manny and Oscar's Match, a mismatch?

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Since Manny Pacquiao's game last Sunday is still the talk of the town, even in blogs, then I'll be joining them. Maiba naman?!

Mismatch. That is how they describe the fight between Manny Pacquiao and Oscar dela Hoya. Not because Manny is smaller and weigh less than Oscar, but the Mexican-American boxer's skills in his last fight was a no match to the "Pambansang Kamao."

Many people, including some Pinoys, have anticipated that Manny will have a hard time knocking down dela Hoya inside the ring. Manny proved them wrong or should I say, Oscar proved them wrong.

Oscar is slow with his moves, too light with his punch, and seem to be surprised with Manny's speed and intensity of his blow.


Sabi nga ni Manny "nakakaawa" daw si Oscar, (siya pa ang naawa ha!) but its a game he has to continue. Sabagay nga naman, kung maawa ka, ikaw ang talo.

Kung napanood mo ang laban, iisipin mong baguhan lang si dela Hoya compared to Pacman. Biruin mong laspagin ang "handsome" face ni Oscar hanggang pumutok na ang ibabang mata nya. Weheheheh ampangit ng pictures! Heto ang isa.

photo: www.smh.com

David and Goliath and labanan and in the end, David won over the giant. Small but terrible. (Dapat si Manny na din ang "El Terrible" at di na si Erick Morales.)

And now, Manny's team is about to set another match between Hatton or Mayweather meeting in the same weight class.

Another mismatch? Manny not matched with Hatton and Mayweather, or is it the other way around?


After the Seminar

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

A week after...

I wasn't able to update immediately kasi super dami ng trabaho.

about the seminar:

  • Some of the speakers of the FPCAP seminar were also the speakers of the PGCA convention(Philippine Guidance and Counseling Association) with the same topic discussed.
  • The topic about PsychoTrauma was an interesting topic but only those with MA, MS, Ed.D. and Ph.D. can take the seminar and use it for their profession.(Pinatakam lang kami huhuhu)
  • Most of the participants present were after the certificates only. (Not me weheheh)
  • Foods were not so okay. (Di ko alam kung ako ba ay di lang sanay sa mamahaling pagkain o talagang di lang marunong magtimpla ang gumawa. Di talaga pumasa sa panlasa namin sorry)
  • Workshops that we took on the second day were very interesting lalo na yung first one nung AM session. Yung sa PM Session, feeling ko di talaga sya ready kaya nililibang niya lang kami. Wala akong nakitang connection nung ginawa namin sa topic.

Anyway, according to my co-participant, seryoso ang convention na yun kasi di siya katulad nung mga naunang convention na napakagulo.

First national convention ko ito after ilang years na rin kaya talagang excited ako.

MRT...

Natuto akong sumakay ng MRT nang mag-isa. Dati kasi lagi akong may kasama. Ang totoo nyan, naiwan ako ng MRT (napagsarahan ako ng door huhuhuh.. mga walanghiyang lalaki kasi ayaw mag-move sa loob)

May mababait pa rin palang mga lalaki sa panahon ngayon. Kung anuman ang dahilan niya, I salute him. Nakatayo kasi ako, and may seat na vacant, he offered it to me. Sa lalaki na naka-red t-shirt with quicksilver na print sa likod, THANK YOU VERY MUCH! Ipagpatuloy mo yan. Mabuhay ka! (Humanga din ang kapatid ko sa kanya, meron pa daw palang ganun ngayon) Yung seat nga pala ay di ko inupuan, may bading akong katabi, sya na lang ang umupo. Kinakabahan kasi ako na lumampas o mahirapang lumabas pag umupo ako. Buti na lang at di ako lumampas at nahirapang bumaba.

Pastor...

May isang pastor na kasama kami sa seminar, di ko alam, pero sabi nya pari sya (sorry pero malabo, para siyang lasengero wahhehehehe) he is asking for the perfect formula (uuyyy pag nabasa nya ito alam na nyang siya ito hekhek) to be used para daw masagot ang mga problema ng kanilang client. Heller! Lahat kami ay nagsasabi nang walang perfect formula dahil maraming factors and syempre kumbaga sa gamot may binabagayan yun.

I recommend him to attend more seminars and learn more (naks ang yabang ko waheheheh)

Yun lang muna.. masyado na akong seryoso dito waheheheheh. Adios!


FPCAP First National Convention

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Tomorrow--I, together with Ms. Leni, will be attending the First National Convention of the Family and Pastoral Counseling Association of the Philippines (FCAP) which will be held at the Little Theater of Miriam College.

We are both fortunate to get a free ride from Ms. Au's hubby and a free boarding house where we will be staying for one night, courtesy of Ms. Leni's friend.

This will be my very first seminar again after so many years of being idle.

I wish to see my friends in Manila but I think I have to focus myself on the said seminar, I dont want to divide my attention. I might be asked to echo this in our next meeting so I better behave or else I'll be punished (joke hehe).

So that would be all for now. I will try to share something about the seminar when I'm back. I will be AFK (away from keyboard) for 2 days (too bad!) Good luck to us!


Official Blog

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Today marks the beginning of my personal blog (aside from my very first post about kletmakulet).

So I welcome anybody who will be redirected in this area. I do hope that you will enjoy my posts.

Have a nice day!

"Happy Feast Day of the Miraculous Medal"


Klet Makulet

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Ang tao ay madalas mag-isip ng advance. Nagpa-plano ng mga bagay-bagay sa buhay katulad ng nais na kursong kukunin sa kolehiyo, pagpapamilya, trabaho, dami ng anak, negosyo o raket na papatusin o kaya naman pangalan ng mga magiging anak.

Ang huli ang napagtuunan ko ng pansin nang minsang nasa corridor ako ng eskwelahan namin.

Ang sabi ko sa sarili ko, gusto kong maging kakaiba ang pangalan ng anak ko, hindi man nag-iisang meron nito, basta parang matapang na cute o pangalang mayaman man lang.

Naunang pumasok sa isip ko ang letter "K" kahit na ang paborito kong letter ay "J." Kara, Klen, Karla... Ngayon, "M" na ang gusto ko hehehe Marielle, Marla, Marion, Marel, Marlea at kung anu-ano pang M na naiisip ko.

Balik tayo sa pangalan na nagsisimula sa K. Nasa jeep na ako noon, nakatingin ako sa daan pero tagos-tagusan ang tingin ko habang nag-iisip pa din ako sa pangalang maibibinyag ko sa kawawang mga magiging anak ko.

Nafocus ako sa Klen, Klint at Klet. Paulit-ulit sa isip ko ang mga pangalan na yan hanggang sa umuso ang internet kahit saang lupalop ng linang man ako naroon ngayon.

Bagay daw sa akin. Makulit daw ako. Ako, makulit? Hindi kaya! Akala nyo lang yun! Guni-guni nyo lang ang mga bagay bagay na inaakala nyong sinasabi ko sa inyo kaya naisip nyo yun!

O sige na nga, konti lang. Minsan lang naman yun. Lalo na pag wala akong magawa, maisip na gawin, makausap, gutom, may tama, topak, baliw, puyat, at wala sa tamang huwisyo.

Ngayon. Sa ngalan ng kapangyarihan na ibinigay sa akin ng aking sarili, binibindisyunan ko ang blog na ito bilang Klet Makulet, kung saan maglalaro at iikot ang mga magulo, malikot, maharot, maasim, walang kwenta at minsan ay makulit na pag-iisip ng isang taong nagngangalang si Mariklet or Klet Makulet for short.

Inaanyayahan ko kayong lahat (kung meron mang maligaw) na makisalo sa aking mala-time space warp na buhay.

Depinisyon ng mga salita ayon kay Klet:

Linang - salitang tumutukoy sa liblib na lugar.

Liblib- lugar na medyo tago o malayo sa kabihasnan.

Kabihasnan - sibilisasyon

Sibilisasyon - alam mo na yon!

Time Space Warp - paboritong lugar ni Ida na secretaryang bading ni Fuma Lei Ar kung saan madalas maka-date ng mga halimaw nila si Shaider, ang Pulis Pangkalawakan, at doon din nagtatapos ang kanilang maikling pagkikita dahil pinapatay din sila ni Alexis a.k.a. Shaider.

Shaider - Pulis Pangkalawakan, siya si Alexis na partner si Annie na kita lagi ang puting panty dahil maikli ang palda.

Annie - ang babaeng nagpauso ng maikling palda na kita ang puting panty.

to be continued...


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com