this on Facebook!

Accident Prone

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Ang sabi ng mga tinatawag na 'matatandang bulaan" malapit daw sa aksidente ang malapit nang ikasal. Tingin nyo, totoo ba talaga ang sabi-sabi na ito?


Silencio

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Kung may earth hour kung saan may isang oras na inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagbabawas ng gamit ng kuryente sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw, sana may oras din ng katahimikan.


Pagkatapos ng Araw ng mga Puso

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Ang sabi ng mga DJ sa radyo marami daw ang puyat ngayon dahil sa araw ng mga puso.

Naisip ko lang, talaga bang pag araw ng mga puso ay araw ng puyatan? (inosente mode. lolz)

-----------------

Ang sabi din ng mga DJ sa radyo, marami daw ang mga pagod at masasakit ang katawan.

Matanong ko lang, talaga bang nakakasipag magtrabaho pag araw ng mga puso? (inosente mode ulit. lols)

-----------

Ito ay hindi na ayon sa mga DJ pero narinig ko lang. Ang sabi, marami daw ang pinapanganak sa buwan ng Nobyembre. Alam na kung kelan ginawa! ( nalimutan ang pagkainosente)

Published with Blogger-droid v2.0.9


I Do!

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Tama! Sa simbahan nga kami natuloy. Hindi dahil sa nagprusisyon kami, kundi dahil sa hindi sinang-ayunan ng panahon ang plano ng aking boyfie na ngayon ay fiance ko na (ayiiiieeee!)


Just a thought

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Facebook asks people what's on their mind? But when people posts their thoughts, other people will say that it's a crazy thing.

So ironic!

Published with Blogger-droid v2.0.9


Regalo sa Sarili

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Dahil mahal ko ang sarili ko, niregaluhan ko ang sarili ko ng bonggang bongga!

Bumili ako ng:
* 2 skinny jeans (kahit hindi ako skinny at puro fats)
*1 leggings
*1 tokong
*1 blouse ng so-en(kahit puro pang-ibaba ang nabili ko)
* 1 bag na itim na Parisian
*3 Darlington foot socks
* 1 Figlia shoes
*1 Lower East Side shoes
* 1 timex watch
At marami pang iba...

I tengkyu bow!

Published with Blogger-droid v2.0.9


Flash Drive

Posted by: Klet Makulet, 1 comments

Hanap ako ng hanap sa aking flash drive at halos mainis na ako dahil halos lahat na siguro ng sulok ng aking kwarto at pati bag ay nahalungkat ko na. Hanggang sa napagod na ako at naupo na lang sa harap ng computer at nakita ko ang hinahanap ko. Nakasaksak na pala ito sa computer.

Parang tayo lang sa buhay, hanap ng hanap sa mga bagay bagay pati na ng mamahalin pero hindi natin alam na nasa atin na pala at naghihintay lang na makita o mapansin. ;)

Published with Blogger-droid v2.0.9


Kasal

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Matandang dalaga na daw ang 25 kaya sa age ko na lampas 25 ay dapat na akong magpakasal.

Wala namang problema pero dahil babae ako, at wala sa plano ko, hindi ko pwedeng pangunahan ang aking kasintahan na magpakasal agad agad.

Palibhasa kasi mga nauna silang naglaglag ng mga panty nila kaya nauna din silang nasakal nakasal at ngayon gusto din nilang gayahin ko ang ginawa nila.

Aaminin ko pareho na din naman namin gustong magpakasal kaya lang ayaw naman namin na susugod kami sa laban na wala man lang kahandaan. Pinangangalagaan ko din naman ang mga sarili at pamilya namin mula sa kahihiyan. Sino ba ang ayaw na maging legal na magyakapan at maghalikan sa harap ng mga kaibigan at mga magulang na hindi maiintriga at magkaroon ng kalayaang mabuntis nang hindi nachichismis?

Minsan nga, gusto ko na lang sabihing break na kami ng kasintahan ko para lang tigilan na muna nila ako sa pangungulit tungkol sa kung kailan namin sila mapapahigop ng mainit na sabaw. Buhusan ko pa sila nun pag nagkataon (joke).

Sabi nga ng gasgas nang kasabihan, "ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na isusubo na kapag napaso ay iluluwa". Wala naman akong balak na iluwa ang pangakong binitiwan ko sa harap ng madlang people na ang tanging hangad lamang ay lafang ang aming kaligayahan.

Darating din naman kami dun. Makakasal at makakasal din kami kaya lang hindi pa sa ngayon. At ang pag-aanak ay saka ko na iisipin. Kung ibibigay man ni Lord yun, kahit kulubot na ang aming mga balat ay mangyayari. Magmadali man kami kung di talaga magkakaanak ay problema lang ulit yun.

Sa totoo lang, napakalaking pressure yun sa mga taong katulad ko na di pa naman talaga nahuhuli sa byahe ay halos ipa-rape na para lang makapag-asawa.

Iba na talaga ang mundo ngayon. Noon kahit matandang dalaga na ay bawal pang maligawan. Ngayon naman, ayaw pang mag-asawa ay halos ipamigay na para lang mapakasalan.

Published with Blogger-droid v2.0.9


Mobile Blogging

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Tinatry ko ang mga apps sa Market na may Blogger. Sana okay na ito...



testing la'ang

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

ire ay testing la'ang kung ire gang blogdroid ay igi.

lasa ko nama'y igi at kita namang nakapost ako ng ayos.

isa na la'ang. Nais kong magdikit ng larawang kupas dineh. pwede ga?

ala eh kakaiba. di ga dito ko nilagay ang larawan tapos nasa taas naman... kahirap eh!

hala post na!

Published with Blogger-droid v2.0.9


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com