Kung may earth hour kung saan may isang oras na inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagbabawas ng gamit ng kuryente sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw, sana may oras din ng katahimikan.
Nakakabaliw siguro yun. Parang ikakamatay na ng mga madadaldal at talo pa ang mga inahing manok na nangingitlog na putak ng putak. At mabibingi ang lahat dahil sa katahimikan. Ironic no?
Kahit nga sa loob ng simbahan, hindi na mapigilan ang ingay. Akala mo nakakakanser ang di pagsasalita.
Napanood ko ang "A Thousand Words" ni Eddie Murphy, at pagkatapos nun ay parang ayoko na dumaldal pa.
Ang isa sa aral kasi nung pelikula ay huwag gugulin ang lakas at oras sa pagsasalita ng mga walang kakwenta-kwentang bagay lalo na ng mga kasinungalingan at syempre, piliin ang mga sinasabi.
Paano nga kaya kung may isang puno ang bawat isa at ang bawat salita ay katumbas ng isang dahon na malalagas. At ang pagkalagas ng dahon ay katumbas ng kamatayan. Siguro ang tahimik ng mundo. Puro senyasan lang.
Minsan, katahimikan din ang nagiging sagot sa dalawang taong nagbabangayan. Dun kasi sila nagkakaroon ng oras na makapag-isip. Katahimikan din ang panahon na nakakapag-inspire sa mga artist. Katahimikan para makausap si Lord. Pag maingay, hindi natin Siya mapansin. Magulo kasi.
Ang katahimikan din ay hindi lang sa pagsasalita. Masarap din syempre ang may katahimikan sa pag-iisip.
creepsilog
5 years ago
Post a Comment