Ang sabi ng mga tinatawag na 'matatandang bulaan" malapit daw sa aksidente ang malapit nang ikasal. Tingin nyo, totoo ba talaga ang sabi-sabi na ito?
Hindi ko masabi na mapaniwalain ako pero hindi ko rin masabi na hindi ako naniniwala sa ilan lalo na kung wala naman mawawala sa akin kung susundin ko ito.
Sa totoo lang, ito ay isa sa mga inayawan ko nitong mga nakaraang buwan dahil hindi ako makabyahe dahil nga sa kasabihang ito. Sabi ko nga wala namang mawawala sa akin kaso medyo ang hirap din lalo na kung kailangan talagang bumyahe.
Kaninang umaga, lumabas ako sandali para bumili ng breakfast ko sa tapat ng pinagtatrabahuhan ko nang isang humaharurot na motorsiklo ang muntik nang humagip sa aking malaman na katawan. Imagine, kung hindi ako tumigil baka pinagpipiyestahan na ng mga langaw at mga usyosero ang katawan ko sa daan. Take note, nasa pedestrian lane ako at nasigurado ko nung tumawid ako na walang sasakyan na sasagasa pa sa akin.
Nagswerve sya habang papalapit sa akin. Ang nasabi ko na lang ay "ano ba naman yan kuya?!" tumingin lang sya sa akin habang tuloy-tuloy ang pagharurot nya. Wala na akong magawqa. ilang hakbang na lang yun at nasa gutter na ako. Nagpasalamat na lang ako at hindi ako nasagasaan.
Nito namang tanghali, sumama ako sa Visita Domicilaria, parang block rosary ito o yun na nga yun, sa mga empleyado ng aking workplace. Sa byahe namin ay may nakita kaming isang tricycle na wasak, dalawang truck na nakatagilid na dahil nahulog sa estero at isang jeep na wasak din ang harapan. Nagbibiruan pa kami nun na baka nagkamali lang sila ng parking kaya nahulog yung mga truck kaso nung pauwi na kami, yung jeep na sinasakyan namin ay muntik nang bumangga sa dalawang kotse sa harapan namin dahil biglang nag-full stop ang mga ito. Mabuti na lang at magaling at mabilis kumabig ang driver kung hindi, isa na din kami sa nasa tabi ng kayle at inuusyoso.
Mga ilang dipa lang, nandun yung apat na sasakyan na naaksidente. Feeling ko, may something talaga sa lugar na yun at mukhang accident prone area ito.
Salamat kay Lord, buhay pa ako.
creepsilog
5 years ago
Post a Comment