Akala ko noon, ang mga nakakakilig ay yung mga palabas na pang-teens lang. Mga pa-tweetums effect at syempre kikiligin ka na dun.
Nagkakamali pala ako sa akala ko dahil kagabi, nakakahiya mang aminin pero namimilipit ako sa kilig at kangingiti sa palabas na My Binondo Girl dahil kay Zeny at Papa Chen ng My Binondo Girl.
Simple ang atake pero yung simpleng tinginan ng mag-ex na sina Ai-ai at hindi ko kilalang lalake na gumaganap na ama ni Kim Chiu ay parang mga teenager lang na kakilig-kilig. Akala ko tatamarin ako sa panonood pero may mga ganung tema din naman na pampaalis umay sa mga emo moments ni Kim. Mas gusto ko pang panoodin si Zeny at Papa Chen kesa kina Kim, Jolo, at Matteo.
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
Post a Comment