Wish ko lang na kasing-sexy ko si Darna. Yun bang kaya na naka-bra at panty lang na may panyo sa harapan tapos naka-helmet na may pakpak sa noo at... may siksik, liglig, at umaapaw na dibdib. Kaso, hindi nga ako si darna. Lahat yun wala ako. Siksik, liglig, at umaapaw lang ako sa taba.
Pero hindi tungkol sa katawan ni Darna ang issue ko kundi ang kanyang kapangyarihan. Hindi na ako gagamit pa ng mga isteytsayd na super heroes para ipaliwanag ang nararamdaman ko. Si Darna ay sapat na.
Nais ko lang ihinga dito na hindi ako tulad ni Darna na may super powers. Tao lang ako at walang balak na lumunok ng bato. Lalong di ako si Zsa Zsa Zaturnnah na lumulunok ng malaking tipak ng bato although inaamin ko, bakla ako (dating nagpapakalalake na ngayon ay nagpapakababae).
Ganito kasi yun, kanina, muli nanamang sinukat ang aking kapangyarihan. Binigla ako kaya't nagulat at napanganga. Kaya nga ang thesis ay nirerequire na dpat isubmit ng three to five days before the defense upang mapaghandaan at mabasa ng mabuti ang nilalaman 'di ba? Aba akalain mo, nasobrahan naman yata ng tiwala o nasobrahan ng trip ang aking semi-boss (semi lang dahil..basta) at ibinigay sa akin ang manuscript ng tatlong oras bago ang thesis defense at habang ako ay nasa isang bulwagan at kasalukuyang nasa isang seminar. Nais ko man na namnamin ang magandang topic, ay hindi ko man lang malasap ang kabuuan ng seminar.
Hindi lang oras ang at pagpapakadalubhasa ang nais, kundi gusto pa akong paliparin. Homaygaaaad! Pinigil-pigilan akong umalis tapos pagmamadaliin ako na makarating sa venue ng defense sa isang iglap. Syet na malagket!
Natutuwa ako na napapansin ang aking matagal nang tinatagong kakayanan pero naman, hindi ko nais na pigain ako at pukpukin na parang labada sa tabing ilog. Ilang linggo na akong stressed tapos heto nanaman.
Well, tapos na naman, Kaso ako ang mukhang unprofessional dahil na-late na ako, naging sanhi pa ako ng pagka-delay ng defense at nagmukha pa akong useless dahil hindi naman ako mabilis magbasa at hindi ako ganun kagaling na kita ko kaagad lahat ng flaws ng isang manuscript. Mabuti na lamang at kilala ko ang aking mga member ng defense panel, hindi naging issue ang pagka-late ko dahil nauunawaan nila ang pinagdadaanan ko.
Bakit ako nag-ngangangawa dito? Dahil naunsyami ang social life at date ko! Grr!
Lafang na lafang na ako at namimiss ko na ang mga kaibigan ko at higit sa lahat nais ko nang makakita ng ibang tao kaso nga, ayun, naunsyami for the nth time.
Mabuti na lang may token at may simple snack na naka-hain at may kaunting pesosesoses. May pampalubag loob.
Sana sa susunod matuloy na ang aking mga plano.
creepsilog
5 years ago
Post a Comment