this on Facebook!

Pangarap ko

Posted by: Klet Makulet,

Isa sa mga nais ko sa buhay ay makapunta sa iba't ibang lugar. Kung hindi man matupad yung sa ibang bansa ay matupad man lang na makapunta ako sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas.



Sa totoo lang, ngayong nagtatrabaho na ako nakakaranas na makapunta sa ilang mga lugar dito sa ating bansa.

Although noong ako ay bata pa ay makikitang nanggaling na ako sa katimugang bahagi ng Pilipinas--sa Jolo, Sulu, Mindanao. Ilang lugar pa bukod dito na napuntahan ko ay ang Zamboanga, Pagadian, Iligan, Marawi (parang lahat ay mga kuta ng Abu Sayyaf) at Cebu. Ang lahat ng ito ay nung bata pa ako at wala na ako halos maalala pa sa mga nangyari dito.

Nitong nagtrabaho ako, dito naman ako sa Luzon nag-uunti-unti ng mga lugar na mapupuntahan.

Sa totoo lang, kahit na nga ba sa Manila ako nag-aaral, marami pa ring mga lugar na gusto kong puntahan.Ilan dito ay:
* Intramuros
* Baclaran Church
* Museong Pambata
* Ocean Park
* Kilometer Zero
* Planetarium (meron pa ba nito?)
* Philpost
* Nayong Pilipino (meron pa din ba nito?)

 Actually, marami pa kaso limot ko na hahaha. Oo, bano pa ako at marami pa akong nais na puntahan. Mga pangarap ko yan at malamang matutupad lang yan kung dyan na ako mismo sa Metro Manila nakatira (kung mangyayari man yun). Sa ngayon, pangarap na muna ito.


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com