this on Facebook!

Hellooooooooooo?!

Posted by: Klet Makulet,

Wala lang, wala akong maisip na title.

Pano ko ba sisimulan ito? Ay nasimulan ko na nga pala. Ayun, buhay pa nga pala ako at nawala lang ng ilang araw yata o linggo sa blogosperyo. Tinamaan ako ng sakit na tawagin na lang natin na APATHY. Actually hindi ito sakit, state lang. Pero gusto ko tawaging ganun eh ba't ba?


Sige na nga, inaamin ko, tinamad ako. pagkatapos ng medyo masalimuot na 2010, nagkaroon ako ng struggles sa buwan ng January at unang mga linggo ng February pero dahil mabait ako, naawa na sa akin si Lord at tinapos na nya ang paghihirap ko. Hindi man totally nawala, nabawasan na at kayang kaya ko nang i-handle.

Anyway, ayun nga, I'm okay. I'm fine. I'm good. I'm well. Basta nagets mo na naman siguro ano?

At dahil natapos na ang drama mode at kapaitan sa buhay, ifofocus ko na ulit ang buhay ko sa maliligaya at makulit na buhay ko. Tama na yung mga kaeklatan na yun sa buhay dahil hindi yun nakakatulong para gumanda at sumeksi ako. Che!

At dahil nasimulan ko na ang ipopost ko na ito, nais ko nang tapusin agad dahil wala na akong maisip masyado. Kasi, mahirap ipasok ang ibang topic dito. Sa susunod na lang. Basta balik blogging na ulit ako. Weeeeeeeeeeee!!!!


6
hahaha kala ko pa naman ang mga bitter na tao ay diu tinatamaan ng apathy na word..w ahehehe... joke lang ha... mabuti naman at nakabalik na ang makulet...
at least ok ka na.here's hoping for a better march and rest of the year. :)
I just echo what Gillboard said...
maligayang pagbabalik.. iwanan ang kaemohan hahahaha....
babu na sa mga kaeklatan at bv gandanghari sa buhay mo neh! positivity come come come! hihi :D
@kikomaxxx - che! hahaha tao lang din kinakabog din ng apathy :P minsan pathetic din ahahaha

@gillboard - super hopeful. hehehe thank you. sana ikaw din.

@glentot - super hopeful. hehehe thank you. sana ikaw din. (kasi echo mo yung sabi ni gillboard di ba? so inulit ko lang din yung sagot ko sa kanya hehehehe)

@ISTAMBAY - korekek naiwan na. sana wag sumunod sa akin hehehe

@Jayvie - plus plus plus (positivity itey!)
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com