Nandito ako ngayon sa PUP Jasmin Hostel. Dito ako natulog dahil may pasok ako ngayong Sunday.
Noong una, talagang hesitant akong mag-stay dito. Bakit? Dahil bago pa ako nag-decide na magpa-reserve ng room dito, nagresearch muna ako ng review (as if naman malakihing hotel ito) para malaman ko kung okay ba o hindi dito.
Gabi yun, a night before the big night (big night daw o!) na makikitulog ako dito. Di pa natatapos sa eenumerate si Google ng mga search result, eto na ang nakita ko "Ghost Stories." Patay na! Umiral na ang aking matagal nang pinakatagu-tagong takot sa katawan.
Eto ang kwento:
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
"She was once there and she never left," according
to one housekeeper of PUP Jasmin hostel, reluctant to
tell the exact room number of the so-called "haunted
room." Residents of the hostel reveal that every time
they pass by the corridor during late afternoon and
early in the morning, they could hear murmurs and
cries coming from the haunted room. Stories say that a
female nursing board examinee committed suicide
insidethe room. Many have had experiences seeing her
walking in her nursing uniform at the middle of the
night or appearing in bathroom mirrors-with blood on
her face. She also loves to knock on the door and if
one opens, he would find no one but sense an eerie
feeling. Residents believe that once you open the
door, she comes in the room, so they advise not to
open the door.
- OSC Jonizel Lagunzad
http://www.donboscoforum.com/index.php?topic=43.0;wap2
Pero dahil wala naman akong matutulugan na mura kaya pikit mata na akong nagpaubaya (nyeh!). Super sulit naman ng stay ko. San ka makakakuha ng spacious room na may 2 double deck, may sariling CR at aircon pa! Yun nga lang walang kumot at walang tabo at basurahan. Buti na lang nagdala ako ng sarili kong kumot. Pero okay na, 350 lang naman bayad ko, ako lang ang nandito (sana). Alam ko mura din pag mas matagal ang stay dito. Medyo maingay nga lang ang paligid kasi katabi ng LRT at hi-way ang hostel at syempre sa murang halaga, di na nila pag-aaksayahan pang ipa-sound proof ito.
Binuksan ko ang lahat ng ilaw. Nag-quick bath ako (as in super quick!) nang nakabukas ang pinto (dahil sa takot na baka di na ako makalabas). Naglalaro pa nga sa isip ko na baka yung tubig ay magkulay dugo, may kung anong makikita sa paligid (kaya nga di ako nagpicture-picture) at baka din may tumabi sa akin.
So eto na nga, nakatulog na ako. Wala naman akong nakita o nadinig (Thank you Lord!!!)
Ang totoo, pinagod ko ng husto ang sarili ko. Lumakwatsa muna ako ng bonggang-bongga at late na pumasok dito sa room na ito. Nagpatugtog ako ng malakas sa cellphone ko, tumalikod ako sa malaking bahagi ng kwarto at nakaharap ako sa dingding habang nag-iinternet, naghanap ng kakausapin sa Facebook, nagdadasal at napapakanta pa ng worship songs. Hindi ba hindi halata na natatakot ako?
Kagabi ko pa dapat ito ipopost (itong tungkol sa Jasmin Hostel) kaso baka biglang may lumabas na kung ano kaya ngayon na lang. At least alam ko na wala sila kasi graveyard shift sila hahaha.
February 13, 2011 at 9:44 AM
At least you're safe.
February 13, 2011 at 12:20 PM
February 14, 2011 at 1:00 AM
February 14, 2011 at 10:44 AM
February 15, 2011 at 11:47 AM
February 15, 2011 at 6:01 PM
@nicole - oo nga sana may house na kayo para dun na ako tutulog, kakain at makikiligo ng libre!!! :P
@kikomaxxx - akala ko sasabihin mo nanaman na bitter ako ahahaha (ilang beses na ba yun :P )
@ISTAMBAY - di ko mapigilan. di kaya ako sanay na matulog sa di ko bahay.
@jayvie - in fairness walang nag-knock2x dahil kung hindi sisigaw talaga ako ahahahaha
Post a Comment