Wala lang, wala akong maisip na title.
Pano ko ba sisimulan ito? Ay nasimulan ko na nga pala. Ayun, buhay pa nga pala ako at nawala lang ng ilang araw yata o linggo sa blogosperyo. Tinamaan ako ng sakit na tawagin na lang natin na APATHY. Actually hindi ito sakit, state lang. Pero gusto ko tawaging ganun eh ba't ba?
Sige na nga, inaamin ko, tinamad ako. pagkatapos ng medyo masalimuot na 2010, nagkaroon ako ng struggles sa buwan ng January at unang mga linggo ng February pero dahil mabait ako, naawa na sa akin si Lord at tinapos na nya ang paghihirap ko. Hindi man totally nawala, nabawasan na at kayang kaya ko nang i-handle.
Anyway, ayun nga, I'm okay. I'm fine. I'm good. I'm well. Basta nagets mo na naman siguro ano?
At dahil natapos na ang drama mode at kapaitan sa buhay, ifofocus ko na ulit ang buhay ko sa maliligaya at makulit na buhay ko. Tama na yung mga kaeklatan na yun sa buhay dahil hindi yun nakakatulong para gumanda at sumeksi ako. Che!
At dahil nasimulan ko na ang ipopost ko na ito, nais ko nang tapusin agad dahil wala na akong maisip masyado. Kasi, mahirap ipasok ang ibang topic dito. Sa susunod na lang. Basta balik blogging na ulit ako. Weeeeeeeeeeee!!!!
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
February 27, 2011 at 10:50 PM
February 28, 2011 at 10:58 AM
March 1, 2011 at 7:11 AM
March 1, 2011 at 9:51 AM
March 2, 2011 at 8:41 AM
March 2, 2011 at 7:48 PM
@gillboard - super hopeful. hehehe thank you. sana ikaw din.
@glentot - super hopeful. hehehe thank you. sana ikaw din. (kasi echo mo yung sabi ni gillboard di ba? so inulit ko lang din yung sagot ko sa kanya hehehehe)
@ISTAMBAY - korekek naiwan na. sana wag sumunod sa akin hehehe
@Jayvie - plus plus plus (positivity itey!)
Post a Comment