this on Facebook!

Bakit ako malungkot?

Posted by: Klet Makulet,

Tanong: Bakit ka malungkot?

Sagot: Kasi, hindi ako masaya.


Whapak! Siguro sapak ang aabutin ng sasagot nyan.Pero nagawa ko nang isagot yan lalo na kung ayaw ko sa kausap ko at sa pagtatanong sa akin ng ganyan. Awa ni Lord, walang nagtangkang magalit o sapakin ako sa sagot na yan. Takot na lang nila sa akin hahaha.

Ang totoo, hindi naman ako malungkot. Masaya nga ako eh. Masaya ako na lahat ay nagiging maayos sa buhay ko pati na sa lovelife ko (yiiiiiiii) ang pangit lang siguro sa akin ngayon ay disorganized ako sa trabaho ko. Parang  narito ulit ako sa stage na tinatamad ako. Natural lang siguro ito...lilipas din.

Iba sana ang ikukuwento ko kaso biglang naiba. Saka na lang siguro ang isa ko pang kwento. Biglang nadisorganized nanaman ako hahahaha.


9
nagparamdam lang ang marekoy ^__^
salamat... ano ka multo? hehehehe
hahaha in short tinatamad ka ring magpost kaya naiba.. wahehhe joke lang
@kikomaxxx - korak!!! may tama ka dyan hahaha. nahalata mo pala :P
I can relate. Lalo na at pinagbawal mag internet sa office. Buti na lang at mautak ako.

I resign.
sana maayos mo yang pagiging disorganized mo para di ka na maguluhan at maging masaya ka na talaga ng lubusan. char! :D
@gillboard - hala!!!! totoo??? nagresign ka??? but why? dahil lang sa internet? OMG! (OA na reaction no? hahaha pero hindi nga?)

@iprovoke sana nga po kasi ang hirap ng ganito. suuuupeeerrr!
bakit masaya?
kasi di ako malungkot.

yan ang kabaligtaran.

wala lang. sabog din ako neh.
@jayvie - tomo! hehehe
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com