this on Facebook!

LSS at Memo Plus

Posted by: Klet Makulet,

O ha?! May ampalaya plus na ako may memo plus pa. San ka pa?!



Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba itong sakit na meron ako at talaga namang walang kakupas-kupas ang pagiging malilimutin ni Klet Makulet na inyong abang lingkod. Buti at hindi ko pa naman nalilimutan ang aking pangalan, address, telephone number, birthday at syempre ang aking mga mahal sa buh-hay. Ahem.

Tungkol sa pagiging makakalimutin na yan, yan ang sanhi ng aking pagiging late sa araw-araw na ginawa ni Lord God Almighty Father. Lalabas na ako ng kwarto tapos naka-lock na yung punto saka ko maaalala na hindi pa pala ako naka-sapatos, o kaya wala pa akong panyo, wala yung payong sa bag ko, wala yung cellphone, wala yung bag ko, nalimutan ang ID (hiwa-hiwalay na balik yan).

Minsan naman, nasa kanto na ako ng subdivision namin tapos maaalala ko na may nalimutan pala ako.

Ang matindi pa dito, mali din ang uniform na suot ko, minsan tama ang pang-itaas tapos mali yung palda ko at pinakamasaklap, pumasok ako na magkaiba ang suot kong sapatos! Total humiliation talaga ito! Hindi ko alam kung kinukulang na ba ng neurons ang utak ko o nasusunog na ba ang maliit kong utak o lumiliit pa ito lalo o baka naman nauubusan na ako ng battery at hindi na narerecharge pa. Baka binili lang sa bangketa ang brain na isinaksak sa skull ko.

Yung LSS naman, sobra-sobra namang pagkakaalala ng isang linya ng kanta ang drama ko. Hanggang sa pagtulog ay yun pa din ang kinakanta ko sa isip ko. Kahit hate na hate ko yung kanta basta na LSS na ako, wala na...buong araw akong badtrip dahil nga ayaw ko ng kanta pero naaalala ko pa din.

Kung hindi ako sobra-sobrang makalimot, majoy-mahor naman ang pagkaalala sa bagay-bagay. Ulit-ulit? (to the nth power)


5
hahah parang ako lang din.. hahaha
50-first-dates girl ka ba or my amnesia girl? sakit yata talaga ang kalimot teh. sana kung may ganyan man, yung mapapait na nakaraan na lang ang laging nakakalimutan. ahihi :D
senyales yan na tumatanda ka na hehehe.. juk... lagay ka ng talis sa hintuturo mo para maalala palagi ang gagawin...

organizer.. maglist ka ng wat to do's mo heheh. o kaya sa harap ng salamt mag dikit ka ng post it notes...

ganyan din ako minsan eh.. hihi
napost ba comment ko dito?
@kikomaxxx - hahaha apir!

@Jayvie - nakuuu sana nga. Kaso mga maliliit na bagay lang nalilimutan ko hehehe

@ISTAMBAY - hindi ah! (defensive hahah) kahit noon pa ganyan na ako :P

Oo may ganyan na ako. pero pati yun ay nalilimutan ko din minsan hahahah

@gillboard - wala po kayo naipost yan lang.
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com