Medyo mabilis lang ito. Kasi sobrang overwhelming ang mga experiences kaya hirap akong magkwento at hanggang ngayon parang 'di pa ako makapaniwala.
* pumasok ako sa unang subject ng late (first time ko). Napag-abutan ako ng sungit ng teacher. Hindi ko alam kung naka-mark ako ng absent o late. Keber.
* Umabsent ako sa second subject ko. Nakipagkita kay boylet para samahan sa Greenbelt 5 dahil takot akong mawala.
* Pumunta muna kami sa bahay nila, nagbigay pugay sa mga magulang nya sabay layas.
*First time ko sumakay sa PNR. Naenjoy ko ito dahil kasama ko si boylet at saka hindi rin masyadong siksikan.
* Nag-taxi na lang kami papuntang Greenbelt 5 at hinatid ako ni boylet sa tagpuan namin nina Gillboard at Chyng.
* Natuwa naman ako sa dami ng food. Parang last lunch ko na yun. Natuwa din ako dahil kami-kami lang. Di ko kailangan makisama sa maraming klase ng personality. Natuwa din ako dahil napilitan silang dumaldal dahil sa akin.
*May mga kwento sila na hindi ko alam pero okay lang, inupdate naman nila ako. Medyo nahihiya pa ako pero dumadaldal ako ng bonggang bongga. Kuya Gillboard, hindi po ako demure (char char lang yun).
* Chyng, gusto ko sanang magkaroon ng picture nating tatlo kaso nahiya naman akong magsabi sayo. I'm shine.
* Gillboard, Salamat sa free lunch. sa kwento at sa time.
*Hinanap ang iniwang boylet (ang sama ko talaga) at inaya ako sa isang madilim na lugar (sa loob ng sinehan ng Glorietta) at nanood ng Little Fockers at magkasamang tumawa ng tumawa.
*Kumain sa foodcourt at naging emo. Naluha ako shet!
*Bakit ako naluha? Kasi pakiramdam ko talaga malapit na akong mamatay, lahat ng tao sa paligid ko ang babait. lahat ng gusto ko binibigay. Para akong tanga na umiiyak habang tumatawa at humihigop ng mainit na sabaw ng mami. (ika 125th monthsary na pala namin).
*Pumunta ng JAC Liner terminal at bumalik na sa bundok kung saan ako namumugad sinama ko ang boylet ko para siya naman ang magbigay pugay sa pamilya ko.
* Naguwi kami ng madaming pagkain. Bundat nanaman ako.
* Masaya ako na kasama namin ang pamilya ko sa late dinner.
*Sumimple ng XOXO (hanggang dun lang muna strict ang parents ko).
* Buong magdamag kaming nagpaka-cam whore. Makulit ang mga kuha namin na pictures.
Sa kabuoan. Napakaganda ng Saturday ko. PRICELESS!
creepsilog
5 years ago
January 19, 2011 at 9:00 PM
ulitin natin ang lunch some time. :)
January 20, 2011 at 3:54 AM
syang di tayo nagpicture kasi ayaw ni gilboard! sya na ang star!
January 20, 2011 at 8:09 AM
January 20, 2011 at 8:35 AM
aba aba, may libre lunch courtesy of Manong Gil! hihi.
happy 125th monthsary sa inyo ni boylaloo! :D
January 20, 2011 at 8:08 PM
@Chyng - oo nga sayang. pero okay na din kasi mukha akong kabababa lang talaga sa bundok nung araw na yun hehehe.
@ISTAMBAY - salamat salamat. hindi ako mahilig sa canton eh hehehe. saka na yun pag kinasal papacanton ako kahit isang baranggay pa kumain hehehe.
@Jayvie - nahalata mo din? hahaha Super sarap ng food sana minsan manalo ka din ng free lunch sa pacontest ni gillboard.
salamat sa pagbati!!!!
January 20, 2011 at 11:24 PM
January 21, 2011 at 7:05 PM
January 22, 2011 at 9:18 PM
katuwa kayo ni boylet..sana patuloy pa yang ka-sweetan nyo..kakatuwa ulit kayo..:)
January 24, 2011 at 10:20 AM
Post a Comment