this on Facebook!

Ang Sabado ko (11511)

Posted by: Klet Makulet,

Medyo mabilis lang ito. Kasi sobrang overwhelming ang mga experiences kaya hirap akong magkwento at hanggang ngayon parang 'di pa ako makapaniwala.



* pumasok ako sa unang subject ng late (first time ko). Napag-abutan ako ng sungit ng teacher. Hindi ko alam kung naka-mark ako ng absent o late. Keber.

* Umabsent ako sa second subject ko. Nakipagkita kay boylet para samahan sa Greenbelt 5 dahil takot akong mawala.

* Pumunta muna kami sa bahay nila, nagbigay pugay sa mga magulang nya sabay layas.

*First time ko sumakay sa PNR. Naenjoy ko ito dahil kasama ko si boylet at saka hindi rin masyadong siksikan.

* Nag-taxi na lang kami papuntang Greenbelt 5 at hinatid ako ni boylet sa tagpuan namin nina Gillboard at Chyng.

* Natuwa naman ako sa dami ng food. Parang last lunch ko na yun. Natuwa din ako dahil kami-kami lang. Di ko kailangan makisama sa maraming klase ng personality. Natuwa din ako dahil napilitan silang dumaldal dahil sa akin.

*May mga kwento sila na hindi ko alam pero okay lang, inupdate naman nila ako. Medyo nahihiya pa ako pero dumadaldal ako ng bonggang bongga. Kuya Gillboard, hindi po ako demure (char char lang yun).

* Chyng, gusto ko sanang magkaroon ng picture nating tatlo kaso nahiya naman akong magsabi sayo. I'm shine.

* Gillboard, Salamat sa free lunch. sa kwento at sa time.

*Hinanap ang iniwang boylet (ang sama ko talaga) at inaya ako sa isang madilim na lugar (sa loob ng sinehan ng Glorietta) at nanood ng Little Fockers at magkasamang tumawa ng tumawa.

*Kumain sa foodcourt at naging emo. Naluha ako shet!

*Bakit ako naluha? Kasi pakiramdam ko talaga malapit na akong mamatay, lahat ng tao sa paligid ko ang babait. lahat ng gusto ko binibigay. Para akong tanga na umiiyak habang tumatawa at humihigop ng mainit na sabaw ng mami. (ika 125th monthsary na pala namin).

*Pumunta ng JAC Liner terminal at bumalik na sa bundok kung saan ako namumugad sinama ko ang boylet ko para siya naman ang magbigay pugay sa pamilya ko.

* Naguwi kami ng madaming pagkain. Bundat nanaman ako.

* Masaya ako na kasama namin ang pamilya ko sa late dinner.

*Sumimple ng XOXO (hanggang dun lang muna strict ang parents ko).

* Buong magdamag kaming nagpaka-cam whore. Makulit ang mga kuha namin na pictures.

Sa kabuoan. Napakaganda ng Saturday ko. PRICELESS!


9
nice meeting you klet. sana sinama mo si boylet sa lunch. eto naman.

ulitin natin ang lunch some time. :)
hehe nice meeting you too klet, ang kulet ng blog mo! ^_^
syang di tayo nagpicture kasi ayaw ni gilboard! sya na ang star!
happy 125th anniversarry pala. pacanton ka naman marekoy hehehe... chheerrzzz
parang tinamad ka masyado nung Sabado noh? parang wala kang gana lumarga? hihi

aba aba, may libre lunch courtesy of Manong Gil! hihi.

happy 125th monthsary sa inyo ni boylaloo! :D
@gillboard - naku nahiya naman ako. baka isipin mo nagdala ako ng ililibre mo (although willing naman sya magbayad syempre hahaha) sige next time ulit. promise hindi na ako malelate hekhek.

@Chyng - oo nga sayang. pero okay na din kasi mukha akong kabababa lang talaga sa bundok nung araw na yun hehehe.

@ISTAMBAY - salamat salamat. hindi ako mahilig sa canton eh hehehe. saka na yun pag kinasal papacanton ako kahit isang baranggay pa kumain hehehe.

@Jayvie - nahalata mo din? hahaha Super sarap ng food sana minsan manalo ka din ng free lunch sa pacontest ni gillboard.

salamat sa pagbati!!!!
hahaha grabe tindi ng mga comment mo parang bitter ka nga sa hopeless delusional people.. wahehehe
@Kikomaxx - churi naman hahaha
hahaha..klet, mas makulit pala ang blog mo kesa sa kwento mo nung Monday..cool ha..:)

katuwa kayo ni boylet..sana patuloy pa yang ka-sweetan nyo..kakatuwa ulit kayo..:)
@Nicole - hehehe salamat. Sana nga tuloy-tuloy na to. :P
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com