Wala akong maisip na ipopost ngayon pero ewan ko kung bakit eto ako ngayon at tumitipa-tipa sa keyboard ng kung anu-anong salitang hindi ko naman alam kung anong mabubuo. Basta lang.
Tamad-tamaran ang beauty ko ngayon. Sabado at Linggo ulit akong nasa Kamaynilaan at lumanghap ng napakalinis na hangin at dinama ang malamig na temperatura (echos!) Sumakit ang katawan ko sa kakalakad at pagdadala ng bagahe ko. Promding promdi ang itsura ko. Buti walang tampipi sa bahay kung hindi yun ang dala-dala ko tapos nakatingala ako sa mga building at nakabuka ang bibig sa pagkamangha sa mga nakikita sa paligid (echos ulit)
Madami na akong dapat na naikukuwento pero tulad nga ng title ko, TAMAD ako ngayon. Mukhang ngayon ako nagbabayad sa mga ginagawa kong kalapastanganan sa sarili ko. Sinisipon ako at may sore throat pa na nanganganib lumala.
Kung titingnan ko ngayon ang paligid ko (ang kwarto ko) parang dinaanan ng ipo-ipo sa kalat. Marami akong mga assignment, project, activities na hindi ko pa sinisimulan. Malamang sa huli, cramming nanaman ako. Ang mga damit ko ay kung saan-aan nakasabit. Tinalo pa ang ukay-ukay stall. Ang katawan ko, syempre hindi pa rin seksi. pabaya na ako ngayon. Pati blog ko pinabayaan ko na (insert music Love The Way You Lie [walang connect]). At ang matindi, eto ako ngayon, di pumasok sa trabaho kasi nga tamad ako wahehehehe.
Parang walang matindong pinupuntahan tong pinagsasabi ko. Kumusta naman kayo?
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
January 24, 2011 at 10:48 AM
January 24, 2011 at 9:10 PM
January 25, 2011 at 2:02 AM
January 25, 2011 at 6:12 AM
January 26, 2011 at 9:36 AM
Lazy Concepcion pala ang drama mo teh. gow lang, namnamin mo pang ang malinis na hangin sa syudad at relak relak lang muna, malayo sa bituka hehe :D
January 26, 2011 at 8:22 PM
@glentot - hindi lang masarap ... super sarap hehehe walang problema
@Jayvie - sana lang di mangitim ang loob ng ilong ko kakalanghap ng hangin hahahahah
Post a Comment