this on Facebook!

Sinimulan ko ang 2011 ng bonggang-bongga

Posted by: Klet Makulet,

Sinimulan ko ang aking 2011 sa pamamagitan ng pakikipagdate sa boylet. At alam ko ang nasa isip nyo, wis uso sa amin ang paputok. Bawal. (At nag-explain talaga).




Date agad. Bongga ang start ko. Daming gifts. Daming food din. Parang gusto kong mapa-jebs sa di maipaliwanag na dahilan (chos).

Sinama ko ang date ko sa Palaisdaan. Dun kami kumain at nag-usap. Para kaming nasa Baguio sa lamig kaya pagkatapos ng ilang oras (as in oras ang tinagal sa pagkain) ay umalis na kami.

Manonood sana kami ng sine kaso ang haba ng pila kaya tumambay na lang kami sa isang resto-bar.

Inubos lahat ng oras sa kwentuhan at syempre sinettle ang lahat ng dapat na isette pati si "bestfriend turned lover". Kampante na si me.

At dahil inuna ko ang kalandian ko sa buhay, eto ako ngayon, cramming sa pagtatapos ng mga iniwang trabaho. Ayos na din. At least, masaya ang simula ng 2011 ko. E kayo?


8
ay very.,.. the most special day ever.. wahehhe
huwaw! let's toast to that hehehe. mukhang maganda ang 2011 nating pareho? :P special talaga eh hehehe
ay ay ay! dahil dyan, magdedate kayo all year long hahaha eeeeeeeek! :D
korekekek!!!! magdilang angel ka sana Jayvie hehehehe
wow, whatta way to start the new year! ibig ba nyang sabihin buong year din kayong magde-date at magpapaputok? LOL. hahaha, happy new year klet!!!
@iprovoked yung date ay may possibility.. yung magpapaputok? di naman kami nagpapaputok bawal samin yun hahaha saka wala naman po ako nagsabi na nagpaputok kami ah :P
pag sinabihan ka ng babae na 'sana magdilang anghel ka na" ano ba ibig sabihin nun? kakalito! lol
@borris - nalito ka? hahaha iba naman yung quote mo sa sinabi ko (as in napaisip ako nung una sa tanong hinanap ko pa..) sabi ko magdilang anghel siya .. not sana.. pag sana, e di dati di sya dilang anghel weheheheh (mahabang paliwanag?? ) :P
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com