this on Facebook!

Kung anu-ano

Posted by: Klet Makulet,

Halu-halong kwento na ito na hindi ko na alam kung saan ko ikacategorize kaya eto. basahin nyo na lang. :P



-------------------------------------------
Prayer leader: Glory to the Father and to the Son and to the Holy Spirit.. Amen (di na hinintay ang sagot..kabado si kuya dahil on-air siya)

-------------------------------------------
Ang bagong pari sa amin ay kaboses ni Rey Langit na may halong Michael Buffer. Natawa naman ako sa kanya dahil nauna ang homiliya bago nagsimula ang misa. Napasarap si father ng kwento at medyo matagal kami bago nagsimula at nanatili kaming nakatayo habang feel na feel nya ang pagkukwento. Kamukha niya si Chef Andrew ng "Bizzare Foods"

-------------------------------------------
Narinig ko lang sa radyo nung isang gabi. Nakakatawa lang na pwede mong itawag ito sa mga kaibigan mong manyak. Tawag nila dito ay level ng kamanyakan ng isang tao.

BatMan - Batang Manyak
SuperMan - Super Manyak
MegaMan - Mega Manyak
UltraMan - Ito na ang pinakamataas na uri ng manyak at super sian pa daw.

Galing yan sa Wild Confessions ni Papa Jack. Manyak nga naman kasi yung caller (pinatos lang yung babae dahil ang habol ay s3x)

-------------------------------------------
Natanggap ko sa text:

Girl: Alam mo ang mukha mo pang-billionaire
Boy: Ows, talaga? Bakit naman?
Girl: Oo kasi, sooo freakin bad!

-------------------------------------------

Nameet na namin kanina ang boylet ng kaibigan ko na gwapo pero mataba. Ang cute nya pero di siya kasing-lakas ng appeal nung nasa picture palang sya. Pero totoo, super cute nya. As in! (Di pa ba obvious?)

Ininvite nila kami na mag-burger pero umatras ako sa invitation dahil kailangan kong gumawa ng report at wala akong balak na maging malaking hadlang. Baka sa akin pa mahulog si taba kaya iwas muna (feelingera lang at char yun syempre)

-------------------------------------------
Walang maiupdate kaya yan lang ang maiooffer ko ngayon. Nagmamadali na din ako kasi may pasok pa ako sa school bukas. Magrereport na ako pero wala pa din akong nagagawang matino. Sana pumasa ako kahit uno lang pwede na sa akin. Wehehehehe


9
hahha buti naman at batang manyak lang.. hahaha
katuwa ung pari, ganyan din ang pari sa min.. kaya lang hindi sa kwento nagbabad kundi sa sermon.. mas mahaba pa ang sermon sa kabuun ng misa.. weh, kaya ang iba inaantok talaga hehehe

at naku, klet ano kaya ang masasabi ni parekoy KIKO ng Kaepalan hahaha BatMan.. batang manyak, at least bata pa hehehe.. un nga lang manyak na.. peace parekoy kiko hahah...
wahahaha bigla ko tuloy na-imagine si Andrew ng Bizarre Foods na nagmimisa tapos biglang titikim ng balut.

ay ay ay, cutie pie talaga? onga neh, iwas ka muna. baka matukso sa kagandahan mo. alam mo naman tayong magaganda, habulin talaga di ba? kaya dapat tayo na ang umiwas hihi :D
@kikomaxxx -- kahit na manyak pa din hehehehe


@istambay --- naku ang hirap pa dyan, nakatayo ka pa at walang maupuan. Nanginginig na paa mo di pa tapos ang sermon hehehe (tapos di pa interesante sinasabi..ansama ko :P )

@jayvie --- Balut sa halip na ostya at alak? hahahah

korak! hahaha joke! Ang kapal ko naman na magmaganda hehehehe tamang ikaw na lang at mas madami ka yatang boylelets kesa sa akin ako iilan lang eh hehehehe
Hahaha natawa ako dun sa Billionaire na banat!!!
@glentot - bumenta din yan sakin kaya naipost ko hehehe
Matagal tagal na din akong 'di nakakapakinig kay Papa Jack. LOL!
HAHA. KULET
@gasoline dude - makinig ka ulit. makulit pa din sya. ay mali pala...mas makulit hehehe

@DEMIGOD WINZTON - makulit ka din :P
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com