Galing ako ng Divisoria. Mga 6 a.m. pa lang nandun na kami. Excited no?
Mamimili kasi kami ng para sa birthday party ng pamangkin ko. He's turning 1 this coming October. Cars ang theme.
Medyo marekutitos. Kelangan Cars talaga. Medyo mamahalin ang gusto nila.
Kahapon pa naman ay natapilok ako. Kaya kanina para akong pilay na halos hilahurin ko na ang paa ko sa paglalakad. Akalain nyo ba namang libutin namin ang halos tatlong malalaking mall doon! Buti at di na nila inisip na pasukin pa ang Tutuban Mall.
Balak ko na sanang mamili ng pangbibigay ko sa Christmas (super advance) kaya lang dahil nga may ibang hinahanap kami ay di ako makasimple ng pamimili. Buti na lang at nakabili ako ng dalawang baboy coin bank sa isang tindahan na tinigilan namin.
Kahit papaano ay nakapagpalubag sa loob ko kahit pagod, ubos ang pera at puyat.
About my exam... 2 weeks pa daw ang result. Kainis! Ang hirap .... magsulat... at magsagot na din puro essay!
-------------------------------------
Ngayon ko lang nalaman. Nawala na pala mommy ni Uno...online friend namin... ngayon ko lang nalaman. Walang nag-inform sa akin. Sayang kung kelan ako nasa Maynila. Condolence sa kanya at sa pamilya niya. Siguro talagang kailangan na niyang magpahinga.May she rest in peace. Amen
Ngarag!
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsTulog, Kulog , Aklat, Pulikat, Puyat
Posted by: Klet Makulet, 3 commentsTulog
As usual inaantok ako dahil puyat nanaman. Walang pagbabago. Kaya kaninang umaga ay gusto ko nang umuwi at sabihing may sakit ako at di ko na kaya pang mag-stay. Kaya lang tinamaan ako ng hiya. Walastik kasing hiya yan. Pwede naman kasi akong umabsent. Walang problema. Problema ko lang ay kung pano ko ipapakitang talagang sick ako. Kasi inaantok lang talaga ako at nanlalambot dahil sa puyat. Saka medyo mabigat din ang pakiramdam ko sa batok.
Kulog
Sa aking pagtyatyaga ay alas-dose na. Kainan na!!! Mabilis kong inubos ang pagkain ko. Medyo naduduwal na nga ako kasi di naman masyadong nanguya ang pagkain tapos tutulog pa ako.
Maganda na sana eh. Okay lang ang 30-minute idlip. Kaya lang biglang umulan. (Anong connect?) Di ba mainit? Init + lamig = kidlat = kulog ... waaaaaa ayaw ko yung dalawang huli!
So papunta na ako sa state ng pagtulog ng biglang narinig kong umulan. Masarap at malamig lamig na. Masyado kasing mainit. Ilang araw na humid ang panahon. Ang masama, (malamang kumidlat) ay kumulog ng pagkalakas-lakas. Meaning malapit lang ang kidlat! Huhuhu. Matitiis ko sana yung kumukulog ng mahina. Yung parang may nagbobowling lang. Kaso parang may giyera na at pinapasabog na ang kuta ng mga Hapon!
Isang malakas ng kulog (BOOM!) nagulat ako! Aatakihin ako sa puso. Pumintig nang hindi normal. Malakas. Ilang beses yun. Di ako nakatulog.
Aklat
Wala nang kinalaman sa kulog.
Para akong namakyaw ng libro sa library. Salamat at VIP ako. Nakahiram ako ng halos sampung libro. Babasahin ko kasi may exam ako sa Sabado. Ngayon ni hindi ko pa nasisimulan. Magrereview pa ako ng past topics at subjects namin. Parang kakayanin ko ng isang araw. Information overload nanaman ito.
Pulikat
May sumigaw sa pangalan ko. Sumagot ako. May sumisigaw ulit pero hindi na pangalan ko kundi aray na. Kapatid ko yata yun.
Tumakbo ako papunta sa kwarto nya at nakita ko siyang namimilipit. Nandoon na si mother para tulungan siya kaso maling paraan.
Pinulikat si kuya at si mama ay ginalaw-galaw ang paa niya na lalong ikinasakit ng pakiramdam ni utol. Napasigaw tuloy ako ng HUWAG!
Parang pinagsasamantalahan si kuya. Natatawa ako. Namimilipit siya sa sakit. Pagkalaki-laki pa naman niyang tao.
Tinulungan ko siya. Medyo matagal. Iginalaw ko lang ang paa nya sa kabilang direksyon ng pulikat. Minasahe ko ng konti ang paligid ng kanyang binti para lumambot ang muscle. Nahimasmasan siya. Natatawa talaga ako na naaawa.
Puyat
At sabi ko nga, walang pinagbago. Heto at puyat nanaman. Buti na lang bukas ay nagpaalam na akong di papasok. Pero madami pa din akong gagawin.
Madaming gagawin pero heto at pa-blog-blog pa ang bruha. Sana makapasa po ako sa exam at sana makapag-submit na ako ng Chapter I at III. Yung Chapter 2 ay to follow na lang. Madugo yun kasi English. Nosebleed ito!
Nalimutan ko ang iboblog ko...
Posted by: Klet Makulet, 4 commentsShare ko muna itong text sa akin.
Texter: Klet si Ms. Valenzuela ba ang nanalo sa Ms. U?
Klet: Venezuela po di Valenzuela
Gusto kong tumawa ng malakas pero di pwede kasi magmumukha akong tanga na tumatawang mag-isa. Nakakatawa kasi seryoso siya. Nakakatawa kasi Valenzuela. Hihirit pa sana ako kaya lang baka magalit sa akin. :P
Bago ako magpost nitong tungkol kay Valenzuela eh nalimutan ko na yung ipopost ko. Tsk! Ang hirap kapag ganitong nakakalimutan ko yung dapat kong i-blog. Inuna ko pa kasing makichismis sa post ng iba bago ko ito iuna.
Salamat na lang kay Valenzuela may naipangsingit ako. hekhek!
Use "guava" in a sentence...
Posted by: Klet Makulet, 7 commentsNaaalala ko pa ang joke na ito na bentang-benta sa mga kaklase ko. Hanggang ngayon bumebenta pa din.
Klet: Use "guava" in a sentence...
Classmates: (iisip ng kung anu-anong sentence na pwedeng gamitin ang salitang guava hanggang mapagod at humirit na ng "sirit")
Klet: i just got a new haircut masaguava?
Classmates: Bwahahahahahaha
Opo totoong bagong gupit ang inyong lingkod. Kumusta ang gumupit? Ayun! Buhay pa naman. Medyo napaiksi (as usual) sa sinabi kong haba ng ititirang buhok. Buti at di naging mohawk ang dating. Lalong bumilog ang mukha ko. Ke-taba-taba ko pa naman. Siopao na siopao nanaman. Bukas malamang ay tutuksuhin nanaman ako ng kapatid ko.
sagot sa joke...Oo masagua nga!!!
Pagkatapos naming magpagupit ng mother ko ay pumunta kami ng mall. Mamimili daw kasi siya ng clorox at sabon. Inulit ko pa ang sinabi niya sa paraang patanong...clorox at sabon? sure ka?...
Paano ba naman. Kapag sinabi niyang yun lang ang bibilhin, malamang sa malamang ay higit pa dun ang iuuwi niyang nabili. At di ako nagkamali.
Dati, ang sabi niya, kamatis lang daw. Naghintay kami ng isang oras sa kanya sa palengke dahil sa akala namin na kamatis lang. Pagbalik niya ay may bitbit na siyang sandamakmak na gulay. Kamatis lang pala ha!
Ganun din ngayon. Mula sa clorox at sabon ay nakagastos siya ng kulang-kulang dalawang libo dahil may gulay, karne, toiletries, flavor mix, at kung anu-ano pang hindi naman masasabing clorox at sabon. Yan ang nanay ko, walang isang salita! :P
Nanood nga pala din kami ng "And I Love You So" as in pinilit niya ako. Libre na para lang sumama ako. Maganda. Nakakarelate ang nanay ko. Paano katulad siya ni Bea sa kwento... byudang nainlove... yun lang matagal bago kami nagkaroon ng ikalawang tatay. Di ko lang alam kung nagsasalita din ba ang nanay ko ng mag-isa nung namatay ang tatay ko. Sa tingin ko naman ay hindi. May nakakatawa at madaming nakakaiyak... Sa mga di pa nakakapanood. Nood na!
SaKlet ng Ulo
Posted by: Klet Makulet, 3 commentsUu sakit ulo ni Klet. Sooooobrang Saket! Habang and thesis ko ay di pa nabubuo... muling nabubuo... Ang gulo!!!! Hu hu hu.
Naghihintay pa ako na mag-upload ang sandamakmak na pichurs sa multiply. Kaya blog blog blog muna ako.
Di ako makahingi ng Ingat Med a.k.a. Biogesic sa nanay ko kasi tulog na siya. Masamang gisingin kasi mahirap din patulugin. may amnesia este insomnia po siya.
Umaalulong ang aso. Sarap batuhin ng loko. Pero wag bad yun. Be kind to animals. Sa isip ko lang naman yun. Nyek Lampas na pala ng alas-dose. Tsk. Kainis talaga nung alulong ng aso. Di naman siya lobo. Siguro naman walang aswang dito. nyah!
Lang kwentang post kasi nga masakit ang ulo ko. Yun lang po. Bow!
Multiply
Posted by: Klet Makulet, 3 commentsDahil sa liit ng hard drive ng lumang laptop na to. Kelangan ko nang ilagay online ang pictures na matagal ko na gpinakatago-tago. Try ko ang multiply. Gumawa ako ng bagong account at naka-private ito.
Hanggang ngayon kasi ay di ko pa din nabibili (alinman sa WD o seagate) ang pangback-up kong HD. Ayaw kasi akong hatian ni kuya. Gusto lang nyang humati sa lalagyan pero di sa bayad. Nyorks!
Sana lang di kumalat ang mga scandal ko. Weheheheh
Halu-halong kwento ulit
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsMadami kasing kwento na di ko naiboblog kasi wala lang minsan nakakatamad magpost ng yun lang ang topic at minsan wala lang din basta magulo hekhek. May pictures po na kasama kaya lang pagpasensyahan sa quality kasi lumang cell phone ang ginamit ko. :)
Field Demo...
Taun-taon ito sa school namin. Medyo naiba na nga lang ngayon kasi di na lahat ng grade levels ay kasali hanggang grade 6 na lang daw. Dati kasi hanggang fourth year o kung di ako nagkakamali pati college ay kasali. Di ko alam kung bakit nawala na yung iba sa presentation. Iba't ibang country yata ang tema nila, may Egypt, Mexico, New York, atbp.
A-kinse...
Happy na sana kaso nagkaaberya pa. Di nakapag-celebrate ng Quinquennial churvaness namin sa mismong a-kinse. Pero in the end, happy na din. May apat na dosena akong roses, sokolets at mga figurines na baboy! Tenchu!
Nilagay ko sa lalagyan ng ice cream yung flowers para di malanta agad. Hanggang ngayon ay buhay pa ito at di pa lanta. Ikalawang set na daw yan kasi nga nung 15 ay di siya natuloy pumunta sa amin. Di ko na nakunan yung ibang gifts. So sa ikalimang taon ay 60 pcs na siya? weeeheeee....
Sakit...
Yan kasing sakit sakit na yan eh kung bakit nauuso. Nagkasakit kasi si boyfie kaya walang celeb. Si klet nagkasakit din. Ngayon eto tumatahol tahol habang sumisinghot singhot.
Klet goes to Pambansang Aklatan
Ngayon lang ako nakapunta sa National Library. Astig ang laki, astig din ang amoy. Hinatsing ako. Pero andaming laman ha in fairness kaya lang wala akong matinong nakuha. Andami kasing ekek para makuha ang kailangan na libro, thesis, at kung anu-ano pa. Di tulad ng karaniwang library na mabobrowse na agad yung bookshelves.
Nagpa-ID muna kami (kelangan ng 1x1 pic... nagugupit na lang kami sa mga pictures na dala namin.. okay lang kahit pang-friendster o facebook ang pic basta kamukha mo okay na) tapos nag-register online. Di ko alam kung para saan pa yung registration Siguro para sa e-lib nila.
Naka-aircon naman siya kaya lang yun nga kulob yung amoy. Medyo madilim kulang sa ilaw.Feeling ko anytime may lalabas na mumu sa library.
Medyo hi-tech din sila kasi may list na sila ng mga books at iba pang articles sa computer. di ko alam kung OPAC din tawag dun basta yun, madali makita yung gusto mong hanapin. Kelangan nga lang kokopyahin pa yung buong pangalan ng book o thesis tapos yung accession number yata yun. Tas ililipat sa reference slip nila. Nakakatagal.
Sa dami kasi ng room nakakalito din at nakakapagod. Umuwi akong puro references lang ang nakuha. Buti na lang libre pamasahe ko.
Si Pepe at si Klet...
Yaman din lamang at nandun na ako pinuntahan ko na din si katotong Pepe. Grade 2 pa yata yung last naming pagkikita. Kahit umuulan at pinasok na ng tubig ang sapatos ko, hinila ko ang kasama ko sa Luneta para masilayan muli si Jose Rizal. Nameet ko din si Lapu-lapu at iba pang mga may busto dun nalaman ko na meron palang "Datu Ache" di ko lang nabasa kung ano ang nagawa nya nagmamadali na kasi ako.
More tissue please...
Nagpunta kami sa SM Manila para kumain at manghingi ng tissue. Nagiipon kasi ako ng mga tissue na may tatak. Nakakuha ako ng tissue sa Goldilocks kahit di ako kumain. Pinakuha ko ang kasama ko.
Akala ko may tatak yung sa Sbarro, nakabili-bili pa kami ng New York churvaness Pizza nila, wala palang tatak yung tissue. Hmp! Sana pala yellowcab na lang nakita ko meron.
Nakakuha din ako sa Lydia's Lechon. Di ko akalain may tatak effect pala ang tissue nila. Sosyal! Heto nga pala yung kinain ko:
Lechon at Lechon sisig. Masarap siya at madami. Sa halagang 128 may dalawang ulam na at may softdrinks pa at tissue na may tatak, pwede na!
So dalawa lang nakuha ko kasi yung iba ay meron na ako. Sa susunod maninilip muna ako sa mga kumakain kung merong tatak yung tissue nila o wala. Saka ako kakain dun.
Thesis...
Wala pa din akong matinong naaayos. Andaming binago. So back to zero ulit ako. Last week ng August may exam ako tapos baka first week ng October may thesis proposal ako (defense) andaming kaekekan kasi. Andami pang gastos. Hay!!!
Yun lang muna. :P
Such a lonely word
Posted by: Klet Makulet, 3 commentsEveryone is so untrue.
Honesty is hardly ever heard.
Tatlong maikling linya ng kanta ngunit punung-puno ng laman at katotohanan.
Nakakalungkot dahil kung sino pa ang pinagkakatiwalaan mo ay siya pang nanloloko sa iyo.
Ang kasinungalingan ay pinaguugatan ng iba't iba pang kasalanan.
Tama nga ang kanta. Ang katotohanan at pagiging totoo ay minsan lang talagang marinig at mangyari. Dahil lahat ng tao ay sinungaling.
Kung sino man ang magsasabing di sila nagsisinungaling, eto lang masasabi ko...
SINUNGALING KA!
Buti pa sila
Posted by: Klet Makulet, 3 commentsRamdam ko dahil isa din ako sa milyun-milyong Pilipinong nagtitipid ng pera para may magagastos at makakain pa sa kinabukasan. Ang mga kabataan at ang mga nakakaintindi ng sitwasyon ay may kinikimkim na sama ng loob sa mga nasa katungkulang walang pangingiming gumastos ng halos milyong piso para lamang sa isang hapunan.
Buti pa sila, sisiw lang ang magtapon ng pera, samantalang ang taong bayan ay nangingimi pang gumastos ng kahit piso para sa isang pagkaing maglalaman sa gutom nang tiyan.
Buti pa sila, hindi nila nararamdaman ang hirap pagkat puro sarap na lang sila at pagpapakasasa sa rangya ng buhay bilang nasa puwesto.
E ano naman kung libre lang ito? Tama bang ikatuwiran ito? Hangal ba ang tingin ng MalacaƱang sa taong bayan na ang ganitong rason ay magpapahupa na lang basta-basta sa galit sa kanila? Malamang hindi.
Kung tutuusin, wala silang karapatang gumastos ng ganoon kalaki lalo na at ang kanilang bansa ay baon sa utang, lubog sa baha ng kahirapan, natatabunan ng gumuguhong pangarap at patuloy na umaasa sa pangakong matagal nang napako. Sa halip na ang halos isang milyong pisong ginastos ay ipinambabayad na lang sa ilang taong utang ng PGH sa tubig at kuryente na siyang inaasahan ng mga mahihirap na di kayang bumayad sa mataas na bayarin sa pagpapagamot, sa halip na ikinain ay igugol ang perang ginastos sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo, na dapat ay inilalaan na lang sa mas kapakipakinabang na mga bagay kesa sa isang gabing puno ng kaganidan at kaswapangan.
Bukod pa sa marangyang hapunan ay ang biglang paglobo ng kayamanan ng mag-asawa. Buti pa sila. Ang saya-saya no?!
Kay lakas ng loob na ipagmalaking di siya kumikita habang nasa posisyon samantalang kabi-kabila ang mga patunay at nagsusumigaw na katotohanang nangangamkam at nagpapakasasa sila sa yamang dapat ang taong bayan ang tumatamasa.
Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ano kaya ang sasabihin ng ama nyo kung nabubuhay pa siya? Siguro ay ikinahiya ka na niya sa pagyurak sa pangalang kaniyang iningatan.
Buti pa sila, para silang mga manhid na walang nararamdamang kahit na anong hiya sa sarili. Deadma! Wa Pakels!
Buti pa sila... Paano na ang masa?
Road Trip to Paete, Laguna
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsBiglaan ito kahit na kagabi ay tinanong na ako ng kapatid ko kung gusto kong sumama sa kanya sa Paete. Di ko inaasahan na ngayon pala yun at medyo may kaagahan ang pag-alis namin.
Ito ay isa sa mga medyo malayo-layo ko na road trip na di kasama ang buong pamilya.
Mga alas-otso ng umaga ay naghanda na kami papunta ng terminal. Akala ko nung una ay dadalhin namin yung kotse (ang sarap sana nung kaya lang...) hindi pala. Iniwan namin sa terminal at sumakay kami ng jeep papuntang Sta. Cruz, Laguna. Mabagal yung jeep noong una. Nakakaantok. Pero paglampas ng bayan ng Tayabas, Quezon ay umarangkada na ang jeep na parang may byahe kami papuntang impyerno. Para kaming naka-rollercoaster sa bilis at umaangat pa ang pwet namin sa mabilis na pag-ahon. Napakapit na ako.
Mamasa-masa ang trip na yun. Patagal ng patagal ay palamig ng palamig. Umaakyat kami kasi papuntang Lucban, Quezon. Nanggilid kami sa Bundok Banahaw.
Ikalawang pagdaan ko na itong araw na ito sa zigzag na yun. Una ay mga lampas anim na taon na ang lumipas noong papunta kami ng buong mag-anak sa Baguio. Noon ay bago pa lang ang daan pati na yung mga bakod ay bagong pinta pa lang. Ngayon ay may yupi na dahil siguro sa mga ilang napapabangga o tumatama doon. Kinalawang na din sa katagalan.
Para kaming pumunta ulit sa Baguio dahil dumaan nga kami ng zigzag at nakakakita ulit ako ng fog. Ang lamig!
Bihasa si manong driver sa daan hindi katulad noong driver ng sasakyan namin dati na umusok yung harapan ng sasakyan dahil di yata sanay sa pagtimpla ng preno ay silinyador para lumiko-liko. Di naman nakakahilo.
Dumaan kami (ang mga naaalala ko lang ha) sa Luisiana, Cavinti (kung saan ay sikat ang paggawa ng sumbrerong gawa sa buli o bunliw), sa Lumban kung saan naman ay mukhang sikat ang embroidery (ang dami kasing tabi-tabing embroidery shop doon), at sa Paete kung saan kami patungo.
Mula Lucena hanggang Sta. Cruz ay 60 pesos per tao ang pamasahe sa jeep tapos siningil kami ng 12 pesos per tao din papunta naman ng Paete. Sumakay kami ng tricycle papunta sa isang school malapit sa Valdellon street at siningil kami ng 18 (para sa dalawa na). Nakakatawa pa nga kasi ang layo ng upuan mula sa pinto ng tricycle kaya muntik nang mapaupo sa sahig si kuya. Sikip kami kasi pareho kaming malaki pero mas malaki siya syempre dalawa ang capacity nya eh.
Napasugod nga pala kami sa Paete dahil magpapagawa kami ng birthday souvenir ng ninong ng kapatid ko. Yung unang nakausap ng kapatid ko (contact nya sa Sulit.ph) ay di pala nagawa yung usapan nila. Kasi daw iilang piraso lang kaya inuna yung madami nilang order (medyo mali yun pero hinayaan na lang namin kasi mahirap nga naman mag-carve o lilok ng paunti-unti at maliit ang kita). Dahil wala kaming nakuha kahit sample man lang, nagpunta kami sa iba pang tindahan.
Bago kami nag-ikot-ikot, kumain muna kami. Dahil sinuggest ng pinuntahan namin ang Benga's Paete Eatery (na kilala yata doon na masarap ang luto) dun kami kumain. Pangmarahimang serving ang bawat order doon. Kaya nga pala Benga ay sa aking pag-oobserve ay mga Intsik ang nagmamay-ari noong kainan. Umorder kami ng Pork Sisig, Pancit Ulam (na sinuggest nung kumukuha ng order namin na specialty din nila), Sitsarong Balat ( na nagmumura ang mantika at taba ng baboy ... nakakapagpasakit ng batok ), 4 na order ng kanin at 1.5 Coke. 300 pesos ang bayad namin. Sobra pa yung ulam. Pipilitin ko sanang ubusin kaya lang talagang ang dami nung sisig at pansit. Pakiramdam ko ay mamahighblood ako sa pinaghalong busog, dami ng cholesterol ng chicharon at sisig, at anghang ng ulam. Buti na lang at naaalis ng Coke ang anghang ng sisig. Whew!
Pagkatapos noon, back to business kami. Yung katabing tindahan ng Benga's Eatery ang nakapagbigay sa amin ng magandang offer, ang Pascual's wood carving, para sa 100pcs na beer bottle (na gawa na lang sa resin para mura.) Kumpleto na yung detalye pati kulay. Wala na kaming iisipin pa. Nagbigay na din ng down payment si kuya.
After ng business ay picture-picture naman kami sa pali-paligid. Kahit umuulan ay binalewala namin. Si kuya na lang ang nagpayong kasi di kami kasya. Since mas madali siyang magkasakit kesa sa akin, siya na lang ang pinagpayong ko at naglagay na lang ako ng panyo sa ulo (ambon lang naman kasi.) Nakapagpicture kami ng mga tindahan ng mga wood carvings pati mismo yung mga naglililok. Tapos nagpunta kami sa simbahan na hindi ko alam kung bakit sarado. Siguro dahil holiday din sila. Sayang di kami nakapagdasal sa loob.
Bibili sana ako ng souvenir ko. May nagustuhan ako na bibilhin sana kaya lang kulang ang aking dalang pera. Wala kasi talaga akong balak gumastos. Isang baboy na nasa basket. Gawa sa kahoy at di sa resin. 250 pesos ang singil. Di ko na natawaran kasi di ko rin naman mabibili. Sa pagbalik na lang siguro ng kapatid ko saka ko siya papabilihin, sana lang mabawasan ang presyo kasi mas maliit siya dun sa isa pang baboy sa basket.
Umuwi kami na basa pareho ang sapatos pati ang medyas. Di naman namaho ang paa namin. Sumakit din ang tenga ko dahil siguro sa lamig at medyo mataas yung lugar na mga dinaanan namin. Pagod, masakit ang pwet sa haba ng byahe, pero masaya at busog.
Sa uulitin. Next time sa ibang lugar naman!
Ang nagastos namin ng kapatid ko lahat lahat ay 598 pesos. Di na masama para sa isang buong araw na lakwatsa.
Sa may Simbahan...
Posted by: Klet Makulet, 5 comments...Ako ay naghintay ng medyo may katagalan sa aking kasamang magsisimba. Medyo may inis dahil ayoko nang naghihintay ng matagal at nagmumukhang tanga sa hintayan. Nagmumukha kasi akong ewan na parang baliw na patingin-tingin na parang inindian ng ka-date. Buti na lang at dumating din. Yun nga lang nakapag-simula na ang misa nung kami ay pumasok. Babae ang kasama ko (pagliliwanag lang hehe.)
...Kami ay natawa at nagulat. Dahil bukod sa nakarinig kami ng salitang "lintik" mula sa Monsenyor ay biglang sumigaw siya at nanggulat sa kanyang homiliya. Kilala siya sa ganung istilo kaya lang madami pa din ang nagulat. Ako, hindi, pero medyo sinakitan ako ng tenga sa lakas ng sigaw nya. Nakakatawa kasi halos napalundag sa gulat ang ilan. Tawa tuloy ako ng tawa. Si Monsenyor naman ay nangingiti sa nangyari.
...Ako ay nainis. Paano ba naman may isang ale na nakiupo sa tabi namin. Kaso sikip na nga sa hilera namin at nagmove na kami ng nagmove ay panay pa din ang move nya papunta sa amin. May pagka-insensitive. Kaya di ko siya sinabihan ng "peace be with you" kasi ayokong maging plastic. Tama nang kasalanan ko ang mainis sa kanya kesa magkunwaring ok lang sa akin. Nagsorry naman ako sa Diyos sa inasal ko pero di sa kanya.
...May bad breath akong naamoy. Malabong sa akin yun dahil di ako nagbubuka ng bibig. At oo, di ako nagpaparticipate sa misa kasi nga inis ako. Di ko alam kung yung amoy ay nanggagaling sa active na katabi ng kasama ko dahil mas napalapit kami sa kanya o dun sa ale na insensitive. Dumating lang kasi siya nangamoy na. Napatakip tuloy ako ng ilong ng makailang ulit. Feeling ko kasi hihimatayin ako sa amoy. Bandang huli nag-candy siya. Malamang siya nga yun.
...Nakita ko yung soon to be ex ng kakilala ko. "Soon to be" kasi di niya (nung girl) alam kung magbebreak ba sila o hindi kasi nga di nagpaparamdam yung guy. Buti na lang nasa simbahan at di nya ako kakilala in person kasi kung hindi napagsabihan ko na siya sa pagpapahirap sa loob ng babae. No reaction na lang ako at kunwari di ko siya nakita. Pinagdadasal na lang namin siya.
...Natapos ang misa at umulan. Ayun! Nabasa kami.