this on Facebook!

Kamias Smoothie

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Kamias o Averrhoa bilimbi sa ibang bansa na madalas na nakikita na namumutiktik sa bunga sa bakuran o sa paligid lang.

Kahapon nga ay namalengke kami at nakita ko itong kamias at gusto kong tikman ang lasa ng Kamias smoothie. Lo and behold nakahanap ako ng pantapat ko sa green mango shake.

Ang ingredients lang naman ay kamias, ice, water at nasayo na if you want to add milk (although sabi nga nila ay kontra ang gatas at maasim so nasa inyo na yon) blend everything and meron ka nang kamias smoothie. Enjoy!

Published with Blogger-droid v2.0.9


Napansin ko lang

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Kumusta naman ang blogosperyo? Medyo napatagal ang aking pananahimik at pagkawala.

Ngayon, sa ayaw at sa gusto nyo, heto na ako at nagbabalik loob sa pagsusulat ng kung anu-ano.

Muling pasimula ko ay ang mga napansin ko sa araw na ito na talagang tumulak sa akin na sumulat muli (naks! makatagalog lang)

(Heto na...)

Sa totoo lang hindi na ako sumasama sa nanay ko na pumunta sa palengke sa maraming kadahilanan na malamang magpapahaba lang ng post ko kaya hindi ko na ilalagay dito. Sa daan patungo sa palengke ay may isang puting sasakyan sa likuran namin na nagwang-wang at nang lingunin namin ay isang government vehicle na parang nagmamadali kaya ginamit ang ipinangako ni PNoy na hindi na gagamitin.

Isa pa ay ang isang mobile car na may sakay na dalawang Pulis. Akalain mo sa gitna ng isang busy at traffic na daan sa palengke ay nakuha pang tumaya sa JUETENG! Akalain nyo yun?!

Isa pang pasawa na napansin ko sa bandang tulay na may napakalaking karatula na may kulay pula at in capital letters na NO parking, NO U-turn, at NO Loading and Unloading ay may isang sasakyan ng gobyerno na naka-park at hindi lang basta bastang sasakyan ng gobyerno dahil nakapintura sa katawan ng sasakyan na ito ay sasakyan ng mga TRAFFIC ENFORCERS. Tsk tsk tsk...

Hoy! Gising!!!

Published with Blogger-droid v2.0.9


Frustrated ka?

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Nakakatawa lang how people reacted on the result of Pilipinas Got Talent pero aminado ako na I also didn't like the result pero sabi nga nila, kung may gusto kang manalo ay do something kahit isang text vote siguro ay makakapagpabago ng resulta at kung di man nanalo ang binoto mo, may karapatan kang magreklamo kaya nga di na ako nagreact dun sa nanalo kasi nga di naman ako bumoto. At isa pa, pinilit ko na wag masyado manood.

Parang life lang yan, kung pinoproblema mo ang mukha mo na tinutubuan ng kung anu-ano pero di ka man lang nagtry kahit simpleng paghihilamos man lang eh wag ka nang magtaka kung bakit ganyan ka. Ganun din sa kapamilya, asawa, kapatid, anak, kaibigan o kaopisina na buwisit na buwisit ka tapos di mo man lang tinry na gawan ng paraan.

Kalma lang mga kaibigan, next time gawan nyo ng paraan para manalo naman ang gusto nyo.

Published with Blogger-droid v2.0.9


Goodbye

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Nagtext ako sa aking boyfriend ng  "Four weeks na lang" at sumagot siya ng " four weeks to be single."

Hindi ko maintindihan pero ngayon ko lang naramdaman ito. TAKOT.

Hindi ko ito nararamdaman pa simula pa noong nagplano kami. Wala lang. Parang naghahandavlang ako ng isang project o assignment na kailangang isubmit at pagkatapos ay okay na lahat.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ano na nga ba ang mangyayari after nito?

Natural naman siguro itong nararamdaman kong anxiety no?

Published with Blogger-droid v2.0.9


Accident Prone

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Ang sabi ng mga tinatawag na 'matatandang bulaan" malapit daw sa aksidente ang malapit nang ikasal. Tingin nyo, totoo ba talaga ang sabi-sabi na ito?


Silencio

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Kung may earth hour kung saan may isang oras na inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagbabawas ng gamit ng kuryente sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw, sana may oras din ng katahimikan.


Pagkatapos ng Araw ng mga Puso

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Ang sabi ng mga DJ sa radyo marami daw ang puyat ngayon dahil sa araw ng mga puso.

Naisip ko lang, talaga bang pag araw ng mga puso ay araw ng puyatan? (inosente mode. lolz)

-----------------

Ang sabi din ng mga DJ sa radyo, marami daw ang mga pagod at masasakit ang katawan.

Matanong ko lang, talaga bang nakakasipag magtrabaho pag araw ng mga puso? (inosente mode ulit. lols)

-----------

Ito ay hindi na ayon sa mga DJ pero narinig ko lang. Ang sabi, marami daw ang pinapanganak sa buwan ng Nobyembre. Alam na kung kelan ginawa! ( nalimutan ang pagkainosente)

Published with Blogger-droid v2.0.9


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com