this on Facebook!

Isang mensahe para sa mga sumasakay ng jeepney

Posted by: Klet Makulet,

Ito ay mensahe sa mga sumusunod na biyaherong may mga di maitatangging di kanais-nais na ugali. Batu-bato sa langit ang tamaan, may bukel!!!



Bata man o matanda, may ngipin o wala, mataba o payat: umupo ng maayos, para sa isang tao lang ang binayaran mo, mahiya ka. magbayad ka ng para sa dalawa kung gusto o mas maganda, umarkila ka ng sarili mong jeep para kahit humiga ka pwede.

Sa mga lalake, kung malaki man yang alaga nyo, di ibig sabihin bubukaka ka na ng pagkalaki-laki. Di naman siguro masasaktan di dayunyor mo kung medyo liliitan ang buka ng mga hita nyo. Minsan bumubukaka na lang yung iba kunwari malaki pero wala naman hahaha joke!

Sa mga babae, lalo na sa mahahaba ang hair (literal), hawakan ang buhok o itali (sa puno kung gusto mo). Hindi naman siguro trichotillomaniac ang katabi mo para kainin ang buhok mo. Saka mo ipatikim yan pag edible na.

Sa mga nagyoyosi sa loob ng jeep kahit may napakalaking NO SMOKING sign na makikita, hindi po manok na panabong ang mga katabi nyo para bugahan ng manok at lalong hindi bubunga ng mangga kung pauusukan nyo. Kung gusto nyong magpakamatay sa lung cancer, bumaba ka at magpakamatay kang mag-isa. Spare us! May tamang lugar para sa bisyo nyo.

Sa mga may putok. Maligo. Kung naligo na at may amoy pa, mag-deodorant o tawas. Maawa sa katabi, baka mas gustuhin pa nilang bugahan ng usok ng naninigarilyo kesa amuyin ang body odor mo. Baka mamatay pa sa asphyxia ang katabi makulong ka dahil dyan 9may nakulong na kaya dahil dun? hehe).








2
Idagdag mo pa yung mga umaakyat para patungan ka ng envelope sa tuhod tapos magpunas ng sapatos mo...
@glentot walang ganyan dito sa probinsya pero meron yung mga Badjao na nagbibigay ng envelope tapos tutugtugan ka ng di mo maintindihan na lyrics hehehehe
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com