Have you ever realized that our world (the earth of course) is getting smaller as days pass?
We can't feel it moving (aside from earthquakes that moves some land an inch to the left or to the right, going north or going south) but it is indeed slowly shrinking.
Actually, teka nga tama na ang English na yan at di ko kayang pangatawanan (hahaha), ang gusto ko lang namang sabihin ay nakakaloka ang pagliit ng mundo dahil sa teknolohiya. Marami nang imposible noon na posible na ngayon tulad ng pakikipag-usap in real time kahit na nasa tigkabilang panig pa ng mundo ang mga ito.
Napapunta kasi ako sa blog ni gillboard at napatingin sa mga nakikiusyoso sa kanya (ang kanyang mga followers) at isang familiar face ang nakapukaw sa aking paningin (alangan namang pandinig) at tama nga ang aking sapantahaha, hinala, hula...siya na nga!!! Akalain mo, the great gillboard is being followed by my classmate?! sabagay, hindi naman kagulat-gulat na yun kasi nga great nga si gillboard eh di ba so kahit siguro kung nung panahon pa ni Paraluman, Bonifacio, Sadam, at kahit na si Marcos ay magfofollow sa kanya dahil sa mga binoblog nya... (paulit-ulit ang salitang gillboard upang makatulong sa traffic papunta sa blog ko... manggagamit kasi ako hahaha)
Ang totoo, nagulat lang ako hahaha wala nang iba. Natuwa ako na nagulat na medyo kinabahan kasi may common tao kami na sinusundan.. ibig sabihin pareho kaming stalker ng iisang tao lang at kung ganun, may posibilidad na malaman nya kung sino ako, e ayoko pa naman malalaman ng mga tao na tao pala ako at bilang tao, malalaman nya na tao nga talaga ako. Ang hirap nun. Mahirap ipaliwanag, ang masasabi ko lang "it's hard to explain!"
Yun lang. Bow!
creepsilog
5 years ago
August 29, 2011 at 3:44 AM
August 29, 2011 at 3:47 AM
August 29, 2011 at 3:40 PM
@Dhianz - nakow so hard talaga lumiliit na mundo. mataba pa naman ako di na tayo kakasya dito... talagang ingat kasi mahirap na baka sumikat :P
Post a Comment