Senti mode pa rin ako dahil sobrang hindi ko alam ngayon kung pano ba ang gagawin ko.
Gusto ko ng happy birthday for boypren kaso hindi ko magawa (nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa break it down yo!) dahil una, milya milya ang layo namin, ikalawa, ubos na ang pera kahit di ko pa talaga nakukubra ang nasa ATM ko (ganito na ba talaga kahirap dito sa mundo?) ikatlo, time constraint, ikaapat, marami pang iba.
Mahirap ang LDR (Living a Dream Relationship...este Long Distance Relationship), away-bati, quickie (sa pagkikita not that thing in your mind hmp!), magastos at marami pa ulit iba...
Ayun na nga berdey ano nang gagawin ko!!!!??? Gusto ko yung in spirit na lang ako can't go there and then balik ulit dito it's suicide you know?!
Kelangan ko kasi gumawa ng effort kasi gusto ko bago man lang mawala yun age nya sa kalendaryo, naging kakaiba ang berdey nya... isip isip... any idea???
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
Post a Comment