this on Facebook!

Babae = Gastos

Posted by: Klet Makulet,

Inaamin ko magastos ang mga babae. At kung tatanungin ng mga hindi babae (malamang mga lalake yun) kung bakit? Hindi ko rin alam kung bakit.


Hindi ko inaamin na sadyang bilmoko (bili mo ako) ang mga babae. Ang ibig kong sabihin, magastos dahil andaming pinagkakagastusan para sa sarili.

Toiletries. Dito pa lang kulang na yata ang limangdaan sa mga mapagpahalaga sa hygiene. Panghugas pa lang (feminine wash) magkano na? May liner pa (panty liner) bukod sa pangbuwanang dalaw na feminine napkin at may pamunas pa kung hindi tissue, ay feminine wipes naman. Isang parte pa lang ng katawan yan pero tumataginting na ilang pesosesoses ang ginagastos.

Sa buhok naman, bukod sa shampoo, may conditioner at may hair shine pa. At syempre kung medyo parang kinuryente ang buhok, may mga minsanang treatment pa tulad ng hot oil (di ito kumukulong mantika/langis), hair relax at matinding gastusan na hair rebond.

Sa mukha, Facial wash, toner, day/night cream, sunblock, moisturizer, foundation, make-up, lipstick, eyeliner, eye shadow, mascara, loose powder/compact powder, blusher etcetera...etcetera...

Sa katawan, sabon, di yung basta sabong pampaligo dapat mabango (alangang mabaho), minsan dapat nakakaputi, nakakapagpalambot ng balat. May lotion with sunblock pa tapos perfume/cologne pa.

Pampaganda at pampabango pa lang yan ha. Idagdag pa ang damit, bag, accessories at kung anu-ano pa na tanging babae lang ang nangangailangan.

Ako aminado ako sa ilang mga nilista ko. Naniniwala din naman ako na yung ilan ay luho na din. Kaya lang, kung di naman kasi gagamitin at magpapaganda, parang losyang naman.

Sabagay, ang mga lalake din naman may mga sariling luho din di nga lang kasing dami nung sa amin. Ang madalas na maselan sa ganitong bagay ay ang mga medyo ...uhm (alam na!) o kaya naman ay mga may kaya at pinangangalagaan ang itsura para sa trabaho. Alangan naman na mag-inarte pa ang mga karpentero at maglolotion pa o kaya mag-bebleach o sunblock habang naghahalo ng semento sa kalsada.

Kaya guys, kung may mga girlfriend kayo o asawa na maluho sa gamit, intindihin nyo na lang pero kung over over na at major major na ang nauubos sa sweldo nyo o ipon, naku, simulan mo nang turuang magtipid dahil pag nakasanayan yan, ikaw din ang magsisisi. Dapat yung tama lang.

Hirap maging babae!


3
lols oo sobra pero ganun talaga sila. Kung tutuusin, ganito rin tayo, mahilig rin magayos.

ayaw man nating amining mga lalake pero gumagastos rin tayo para sa i-kalilinis ng katawan naten. in a guy way :)

ganito ako XD
My masculine wash na ngaun! =p It's called Freshman! =p google it. banidoso na din mga boys ;]
@boris - sorry super late na ang reply ko (di pa ata uso yung comment page kaya di ko alam na nagreply ka) as in nagpaliwanag ako heheheh

isa lang masasabi ko, banidoso ka pala heheheh


@Aimee - wow thank you sa bagong info. Ngayon ko lang nalaman yun. Kaso, malamang ang gagamit lang nyan ay yung talagang banidoso, malamang yung iba, hahayaan nilang nangangamoy na yung tutut nila wehehehe
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com