this on Facebook!

Kung ikaw siya

Posted by: Klet Makulet,

Naisip ko lang:

Kung ikaw sila, ano ang gagawin mo?



Kung ikaw si Venus Raj, ano ang isasagot mo?

Sa ganoong sitwasyon, na kinakabahan ka at sa harap ng maraming tao at alam mong pinapanood ka ng buong mundo, kayang kaya mo ba na masagot ang napakasimpleng tanong? Parang interview lang sa trabaho na simpleng pangalan minsan di nga masagot.

Sabi nga nung kausap ko, akala mo kung sinong magagaling na sumagot, ni sa Barangay nga nila di sila makasali at tanungin mo nga di naman makasagot.

Buti nga naka-4th siya. Ang hirap kaya nun. Kung yung nanlalait kaya? Baka sa klase pa nga lang di na sila makasagot. Di ba?


E kung ikaw naman yung nasa katayuan ng mga pulis noon na nasa Quirino Grandstand at kailangang masagip ang mga hinostage, ano ang gagawin mo?

Di pa man nagkakaroon ng malagim na pagkamatay ng mga hinostage, kaliwa't kanan na ang pambabatikos sa kanila. Para bang kung sila yung pulis, wala pang isang oras maayos na ang lahat.

Buhay ang pinag-uusapan dun. Di lang buhay nung mismong pulis kundi buhay din nung nasa loob. Akala siguro nung iba, madaling sumugod at gawin ang nakaplano. Nalilimutan yata na naka-depende ang galaw nila sa galaw ng hostage taker at dati pa itong pulis, alam nya kung paano gumalaw ang kapwa nya pulis. Siguro kung sundalo pa ang gumawa lalo na yung mga nasa Mindanao, sila ang paharapin mo dun, wala na sigurong negosasyon pa, bakbakan kung bakbakan.


Kung ako sila, di ko rin alam ang gagawin ko. Kahit pa siguro ako na ang pinakamagaling na magsalita at bihasa sa interview at memoryado na ang lahat ng mga klase ng tanong, siguro kapag kinabahan na ako, baka di lang "major major" ang masabi ko o ang mas malala, baka blangko na lang ako.

At kung ako ang isa sa mga pulis dun sa hostage drama na yun, kinakabahan na din ako. Kahit ako pa ang pinakamagaling na pulis at kahit alam ko na ang gagawin ko, di ko pa din siguro magagawa ang naka-plano. Iniisip ko din siguro sa mga panahon na yun kung mamamatay ba ako, paano na ang pamilya ko. Kung gagawin ko ba na biglang sumugod na lang, di kaya sasaktan yung mga na-hostage? Di kaya mas madami pa ang masasaktan o kaya mamamatay? May pampasabog ba dun?

Nabasa ko yung twitter post ni Jackie Chan, (kilala nyo naman siguro sya ano?) "If they killed the guy sooner, they will say why not negotiate first? If they will negotiate first, they will ask why not kill the guy sooner? So sad." Naisip ko, buti pa siya, kahit Chinese siya naiintindihan niya.

Maraming isipin. Maraming isinaalang-alang. At kung may mali man sila, kalaban nila yung oras at sitwasyon. Di sila perpekto.


2
Kakalungkot isipin na ang mga bagay gaya nito ay nangyayari. Pero we have to just live with that and accept that it's just part of this life.
@Biyaheng Pinoy: Amen! Sana matapos na ito pati yung turuan.
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com