this on Facebook!

Ako ay Nagbalik

Posted by: Klet Makulet,

Mula sa naaaaaaapakahabang pagkakatulog ko sa blogosperyo, nagising ako na may laway-laway pa sa pisngi. Yuck! Napanis na sa katagalan.

Ano nga ba ang nangyari sa akin? Wala naman kahit meron.


Nangarag lang ako sa pagmamadali ng adviser ko na tapusin ang thesis na hanggang ngayon ay di ko pa din matapos-tapos. Nalito lang naman ako sa kung ano ang uunahan sa mga trabaho, raket, sideline, sideways, sidecar at kung anu-ano pang side. Nanaba sa paglamon sa mga event ng kapatid ko (isinasama nya akong maging alila...ang hirap maging mahirap *bow*)

Muli akong napadpad dito ay nakita ko na may nagtatanong pala... nakupo sorry. Balik ka na lang at pipilitin ko ding bumalik. May naghihintay din ng pansin ko na i-approve ang kanyang comment...salamat at pasensya na.

Heniway, eto na po ang update ko.

Nagbabalik na si klet at muling nangungulit. weeeeeeeeeeeeeee


2
hahahaa

tapusin na ang mga bagay na kailangang tapusin at bumalik na ng pangmatagalan!!!!

kitakits
kosa... sana hanggang march na lang to para maka-march na ko... mahirap din magsunog ng kilay... parang wala nang natitira o :P
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com