this on Facebook!

PBB mania

Posted by: Klet Makulet,

Di tulad dati, di na ako masyadong nag-uubos ng oras para sa palabas na ito ng dos. Nanonood na lang ako para mag-update sa iba kong blog like mga nomination at eviction night nila at idagdag na din pag alam kong may nakakatuwang palabas na di dapat palampasin.


Wala din dapat akong balak na mag-blog tungkol sa PBB dito sa blog ko na ito kasi...wala lang. Naisip ko lang ayokong masyadong magpahalatang fanatic ako ng mga Melason loveteam o kasali sa original House B haters blah blah blah.

Ilang beses na din akong sinabihan ng ate ko na gusto nyang i-blog ko daw yung pagkadisgusto niya sampu nang kanyang mga kaopisina sa mga housemates na sina Rocky, Patrick, Sam, Rob, Tom, Yuri, Marielle, Hermes, at Carol.

Noong una, ayoko. Dahil ayoko nga na mahaluan ng showbiz ang blog ko. Pero dahil wala akong maipost ngayon at medyo matagal na din akong walang update at medyo nagiging apektado na ang mga manonood ng PBB (base sa nababasa ko at naririnig sa mga kwentuhan), naisip kong pagbigyan na din ang request na mag-blog about it.

Medyo mahaba ito.

Una, masaya ang bahay kung nasaan ang housemate na si Melissa. Dahil makulit at talagang nakakatawa siya. Sabi nga, masarap siyang panoorin dahil nakakaalis ng stress. Nakakatawa kasi. Kaya nga sa unang bahay na kung saan siya kasali (with Yuri, Marielle, Yhel, Carol, etc.) ay doon (daw) mas maraming nanonood. At nang lumipat siya, nagbago ang ihip ng hangin.

Maganda din sana yung may kambal sa loob ng bahay. Nabuking lang.

Ikalawa, naging kapana-panabik sa mga manonood ang Melason tandem. Noong una, Melay at Toffi at Tofifi(Kenny) ang loveteam na nabuo. Kaya lang nga, nawala ang mga kambal dahil sa nabigo sila sa kanilang task na magtago.

Ikatlo, maraming nainis sa grupo nina Marielle, Yuri at Yhel. Negative kasi sila masyado at isama mo na din yung nagkaroon na ng boys sa house nila dahil double up na din ang pagiging negative nila.

Kung marerecord ko lang ang mga sinasabi ng mga nakakausap ko at kung makakabasa lang kayo sa mga blog o forum na may PBB topic, makikita nyo kung gaano talaga nila ka-hate ang mga nabanggit ko. Pwede na din akong isama sa mga medyo may pagka-disgusto sa kanila, yun lang di naman ako masyadong apektado. Ayaw ko lang talaga sa ugali nila.

Ikaapat, ang mga twist and turn of events. Kakaiba. May mga maganda at nakakatuwa at syempre may pangit. Yun bang mapapasabi ka na "ayaw ko nang manood kasi pangit na" pero nanonood pa din kasi di mapigilang malaman kung ano na ang nangyayari.

Ilang edition na din ang lumipas. May lumevel na din sa pagkakontrabida ni Wendy Valdez. May kalevel na din sa kilig tandem nina Sam at Say, Kim and Gerald, atbp. At kahit na sabihin pang madaming issue, flaws, pangit na decisions at kung anu-ano pa, marami pa din ang nanonood ng PBB.

Sa mga nanonood, hinay-hinay lang sa mga nararamdaman. Baka tumaas ang blood pressure nyo sa panonood at pagkakadala sa mga pangyayari. Sa mga hindi nanonood, okay lang yan, kanya-kanyang trip. Sa ngayon, isa sa mga pinapanood na programa sa telebisyon ang Pinoy Big Brother Double Up.

That all. Bow.


2
So hindi ka pa nga mahilig nyan sa PBB?

hahahha! Pero aaminin ko napanood ko lahat ng edition nyan!Kahit mukha silang dagang pinageekspirementohan

ingat
Weh di ko po sinabing di ako mahilig :P

Sabi ko po di lang ako masyadong naguubos ng oras unlike dati, kelangan ko pa talagang hanapin sa youtube yung lahat ng vids para lang maging updated. ngayon, tyaga na lang ako sa maabutan ko, minsan tinutulugan ko pa. pero gusto ko silang panoodin. nalelate lang kasi ako ng gising pag nanood ako ng PBB wahehehhee late kasi masyado!
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com