this on Facebook!

Paboritong Sports ng Bayan

Posted by: Klet Makulet,

Dati, ang pinagkakaguluhang sports sa bahay namin ay basketball.

Basta pagsapit na ng gabi, parang sinehan na ang bahay na napag-usapang panonooran. Walang tao sa daan at sa bawat shoot ng pambatong team, malalaman mo kung nasan ang mga tao.


Noon yun. Hindi ko na alam kung kailan nag-die down ang pagkagusto ng mga kapitbahay namin at pati ng pamilya ko sa panonood ng basketball.

Ngayon, boxing naman. Simula nang sumikat si Manny Pacquiao sa ibang bansa, palagi nang inaabangan ang mga laban nya. Kaya naman pinag-aagawan ng GMA-7 at ABS-CBN ang pagpapalabas ng kanyang mga laban.

Kanina, nagtyaga kami sa panonood ng libreng "pay-per-view" na link na nakuha ng kapatid ko sa tabi tabi.

Medyo naghahang pero ayos lang. Mahalaga libre.

Ang ingay namin. Napaos yata ako. Tama din ang hinala ko TKO ang ihahatol kay Cotto.


Tiniris nga ni Manny si Cotto.(di po sa akin ang petsur na yan ... hiniram ko lang wehehehe)


1
hahaha. ayan ang tinatawag na pacquiao fever. binalik nya ang larong boxing hnd lang sa pilipinas kundi sa buong mundo lalo na ngaun na nauuso na ang UFC.

nwei mhilig pa rin ako sa basketball lalo na sa PBa
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com