this on Facebook!

PBB mania

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Di tulad dati, di na ako masyadong nag-uubos ng oras para sa palabas na ito ng dos. Nanonood na lang ako para mag-update sa iba kong blog like mga nomination at eviction night nila at idagdag na din pag alam kong may nakakatuwang palabas na di dapat palampasin.


Wala din dapat akong balak na mag-blog tungkol sa PBB dito sa blog ko na ito kasi...wala lang. Naisip ko lang ayokong masyadong magpahalatang fanatic ako ng mga Melason loveteam o kasali sa original House B haters blah blah blah.

Ilang beses na din akong sinabihan ng ate ko na gusto nyang i-blog ko daw yung pagkadisgusto niya sampu nang kanyang mga kaopisina sa mga housemates na sina Rocky, Patrick, Sam, Rob, Tom, Yuri, Marielle, Hermes, at Carol.

Noong una, ayoko. Dahil ayoko nga na mahaluan ng showbiz ang blog ko. Pero dahil wala akong maipost ngayon at medyo matagal na din akong walang update at medyo nagiging apektado na ang mga manonood ng PBB (base sa nababasa ko at naririnig sa mga kwentuhan), naisip kong pagbigyan na din ang request na mag-blog about it.

Medyo mahaba ito.

Una, masaya ang bahay kung nasaan ang housemate na si Melissa. Dahil makulit at talagang nakakatawa siya. Sabi nga, masarap siyang panoorin dahil nakakaalis ng stress. Nakakatawa kasi. Kaya nga sa unang bahay na kung saan siya kasali (with Yuri, Marielle, Yhel, Carol, etc.) ay doon (daw) mas maraming nanonood. At nang lumipat siya, nagbago ang ihip ng hangin.

Maganda din sana yung may kambal sa loob ng bahay. Nabuking lang.

Ikalawa, naging kapana-panabik sa mga manonood ang Melason tandem. Noong una, Melay at Toffi at Tofifi(Kenny) ang loveteam na nabuo. Kaya lang nga, nawala ang mga kambal dahil sa nabigo sila sa kanilang task na magtago.

Ikatlo, maraming nainis sa grupo nina Marielle, Yuri at Yhel. Negative kasi sila masyado at isama mo na din yung nagkaroon na ng boys sa house nila dahil double up na din ang pagiging negative nila.

Kung marerecord ko lang ang mga sinasabi ng mga nakakausap ko at kung makakabasa lang kayo sa mga blog o forum na may PBB topic, makikita nyo kung gaano talaga nila ka-hate ang mga nabanggit ko. Pwede na din akong isama sa mga medyo may pagka-disgusto sa kanila, yun lang di naman ako masyadong apektado. Ayaw ko lang talaga sa ugali nila.

Ikaapat, ang mga twist and turn of events. Kakaiba. May mga maganda at nakakatuwa at syempre may pangit. Yun bang mapapasabi ka na "ayaw ko nang manood kasi pangit na" pero nanonood pa din kasi di mapigilang malaman kung ano na ang nangyayari.

Ilang edition na din ang lumipas. May lumevel na din sa pagkakontrabida ni Wendy Valdez. May kalevel na din sa kilig tandem nina Sam at Say, Kim and Gerald, atbp. At kahit na sabihin pang madaming issue, flaws, pangit na decisions at kung anu-ano pa, marami pa din ang nanonood ng PBB.

Sa mga nanonood, hinay-hinay lang sa mga nararamdaman. Baka tumaas ang blood pressure nyo sa panonood at pagkakadala sa mga pangyayari. Sa mga hindi nanonood, okay lang yan, kanya-kanyang trip. Sa ngayon, isa sa mga pinapanood na programa sa telebisyon ang Pinoy Big Brother Double Up.

That all. Bow.


Pasado 2

3
Posted by: Klet Makulet, 3 comments

After ako makuhaan ng ilang mga puting buhok dala ng stress sa thesis at pati na sa iba pang mga bagay-bagay, sa wakas, nakapag-proposal na din ako.

Di pa naman totally tapos sa thesis, pero nakapasa na ang unang tatlong chapters ko.

Tama talaga ako. Sinabi ko sa kasama ko kanina na malamang walang masyadong itatanong sa akin dahil yung topic ko ay maaaring bago pa sa kanila at di pa nagiging focus ng study. Yun nga ang nangyari.

Unlike sa unang nagpresent (na halos gumapang na palabas dahil duguan sa mga banat ng kanyang mga proposal (exam) committee), parang nagkwentuhan na lang kami at nagpalitan ng mga ideas.

May ilang questions naman (masabi lang na nagtanong) at sa awa ni Bro ay nasagot ko naman, yung ilan ay ang adviser ko ang sumagot kasi kasalanan nya kung bakit yun ang nangyari sa manuscript ko.

Heniway, pasado na po ako sa first part ng aking defense. Nakapag-enroll na ako para sa second semester. Nalaglag na din ang tumataginting na kinse mil (15k) sa loob ng isang oras na ganun-ganun na lang with matching gifts pa.

Ngayong second semester, another gastos ulit pero sana maging worthy yung gagastusan ko. Mahirap kasing magwaldas ng pera para sa wala di tulad nang iba na kahit umulit ng ilang beses ay okay lang dahil di sila ang nagbabayad sa tuition nila at sa iba pang gastos. Pero siguro kahit na libre ako, di ko sasayangin yung pera--ang hirap kayang kumita ng pera lalo na ngayon no!

Sa lahat nang nag-goodluck at nag-pray sa akin, maraming salamat po!


Paboritong Sports ng Bayan

Posted by: Klet Makulet, 1 comments

Dati, ang pinagkakaguluhang sports sa bahay namin ay basketball.

Basta pagsapit na ng gabi, parang sinehan na ang bahay na napag-usapang panonooran. Walang tao sa daan at sa bawat shoot ng pambatong team, malalaman mo kung nasan ang mga tao.


Noon yun. Hindi ko na alam kung kailan nag-die down ang pagkagusto ng mga kapitbahay namin at pati ng pamilya ko sa panonood ng basketball.

Ngayon, boxing naman. Simula nang sumikat si Manny Pacquiao sa ibang bansa, palagi nang inaabangan ang mga laban nya. Kaya naman pinag-aagawan ng GMA-7 at ABS-CBN ang pagpapalabas ng kanyang mga laban.

Kanina, nagtyaga kami sa panonood ng libreng "pay-per-view" na link na nakuha ng kapatid ko sa tabi tabi.

Medyo naghahang pero ayos lang. Mahalaga libre.

Ang ingay namin. Napaos yata ako. Tama din ang hinala ko TKO ang ihahatol kay Cotto.


Tiniris nga ni Manny si Cotto.(di po sa akin ang petsur na yan ... hiniram ko lang wehehehe)


Pag Naiinip Sa Sementeryo

4
Posted by: Klet Makulet, 4 comments

Dahil medyo nakakainip ang magpalipas ng oras sa sementeryo, nagdala ako ng pagkakalibangan katulad ng sudoku (iba ito kay Sadako na mumu). Pero bukod doon, syempre sa gabi, di ko na makikita pa ang sudoku dahil madilim, napagtripan ko ang cellphone ko na medyo may kalumaan na.

Madaming kandila at madilim. Kung nakapanood na kayo ng Christmas Station ID dati ng ABS-CBN at ang commercial ng Nescafe, makikita nyo yung parang nakakapagdrawing sila using light. Di ko alam kung may special flashlight ba sila or something pero natutunan ko sa kapatid ko ang effect na ito sa kapatid ko noong nagsasample kami ng kanyang camera.

Tinanong ko ang kapatid ko sa kung anong tawag sa effect na yun. Paint with Light daw. So heto ang mga light paintings ko. Maliliit na lang ang ipopost ko kasi medyo madami dala ng kawalan ng magagawa. Pati mga pinsan ko natuwa sa ginawa ko kaya pati sila ay nakigaya na.








Mukha akong baliw nung ginagawa ko ito kasi ayon sa pinsan kong babae, akala daw nya naghahanap ako ng signal kasi taas ako ng taas ng cell phone ko, tapos pa-sway-sway din ang kamay ko at may dinadrawing-drawing pa ako sa hangin.

Buti na lang wala akong napicturan na kakaiba habang ginagawa ko to. :P


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com