Sabi nga, libre ang mangarap. At kung mangangarap lang naman ako, tataasan ko na. Bakit "billionaire" lang kung pwede namang maging zillionaire 'di ba?
Ang balak ko sanang ikwento ay ang pagpunta ko sa Liliw, laguna pero habang nasa trono ako ay naisip ko ang kantang "Billionaire" ni Bruno Mars at naisip ko din na bakit nga ba hindi ako mangarap ng mas mataas pa.
Ilang linggo ko na ding kinukondisyon ang sarili ko na maging positive sa lahat ng bagay kahit na ever ready ang negative vibes na humila sa akin pababa. Ilang buwan na din naman ako na nagpadala sa lungkot at depression.
Yes, I do admit nadepress ang lola nyo pero hindi na ngayon.
Fini-feel ko ang positive vibes at nagbabasa-basa ako tungkol sa law of attraction. Hindi para makaattract ng lalake kung hindi ng swerte. Dahil kung suwerte ako, magkakapera ako at kasama na dun ang boys (char!)
Feel ko rin magmaganda. Wa-pakels sa sasabihin ng iba. Nag-aayos lang naman ako dahil bawas na ang stress sa buhay ko. At umaasa ako na tuluyang mawawala.
Pano ko magiging zillionaire? ginagaya ko si Henry Sy. Nagbebenta ako nga sapatos. Nakiki-negosyo ako at nag-uunti-unti ng paraan para yumaman. nakikinetworking business din ako pero di yung recruit-recruit ek-ek...gusto ko yung products lang talaga para walang problema. Naghahanap pa ako ng mga mapagkakakitaan.
Syempre, kung mangangarap ako, gagawan dapat ng paraan dahil kung puro pangarap lang ay hindi ito maisasakatuparan. gusto ko din makapanglibre ng mga kaibigan at kapamilya ko sa mga mamahaling kainan, makapaglibot sa iba't ibang magagandang lugar dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. At kahit zillionaire na ako, di ko kakalimutan ang Pilipinas at di ako magiispokening dollar...medyo lang (hehehe).
Sana isa kayo (kayong mga naliligaw dito sa blog ko) sa tutulong sa akin na maabot ang pangarap na ito. wapaaak!
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
April 11, 2011 at 1:26 AM
April 12, 2011 at 8:21 AM
April 13, 2011 at 9:57 PM
@jayvie -- pag nagkatotooito... ililibre kita. pwamis! :P
Post a Comment