Ito ay para sa isang ka-forum ko noon na inaalala ko ngayon. I hope okay lang siya.
Siya si Ate Love pero kilala siya bilang Pag-ibig88. At sa totoong buhay, siya si Ate Cory.
Taga Japan siya at kahit hindi ko pa siya nakikita, may puwang na siya sa puso ko. Hindi dahil pinadalhan niya ako ng candies o kaya naman mga regalo, kundi dahil sa sandaling naging magkausap kami sa isang forum, naramdaman ko ang pagiging totoong tao niya.
Ngayong nabalita na ang Japan ay nakaranas ng lindol at tsunami, hindi ko maiwasang mag-alala. Kumusta na kaya siya? Kumusta ang lolo niya na alam kong mahal na mahal nya. Si Someone na nagpapaganda ng mga araw nya?
Hindi lang si Ate Love, lahat ng mga nasa Japan.
Alam ko, tulad nila, dumaan din tayo sa trahedya hindi man kasing lupit ng lindol at tsunami, pero nang si Ondoy ay manalasa na sinundan pa ni Pepeng, alam ko, ang Japan pati na ang ibang bansa ay nakiramay sa atin. Di man materyal na bagay ang dasal, mukha mang parang balewala ang dasal, iba pa din ang pananalig sa Diyos na sila ay muling babangon at maililigtas sa mga darating pang mga kalamidad.
Si Ate Love na naging matapang sa pagbubukas ng kanyang mga saloobin laban kay Gloria, sana ay tuloy pa ding lumalaban. Sana malayo sila sa lugar ng sinalanta ng tsunami.
Tiningnan ko sa mapa, tabing dagat din pala sila. sana po ligtas sila.
creepsilog
5 years ago
March 15, 2011 at 3:14 PM
March 15, 2011 at 6:53 PM
March 16, 2011 at 11:02 AM
March 17, 2011 at 8:12 AM
Post a Comment