this on Facebook!

Kid's Sex Education

Posted by: Klet Makulet,

Is it a GO or a NO?

Minsan ang mga salitang kumplikado ay nakakapagpahirap din sa buhay ng tao. Tulad na lang mga "Sex Education" na isinusulong ngayon ni health ealth secretary Esperanza Cabral.


Kung tutuusin hindi naman porke sinabing sex ay tungkol na sa pakikipag-sex mismo ang tinutukoy kung hindi maaaring ito ay tumutukoy sa kasarian, orientation, o kaya naman may kinalaman lang sa parte ng katawan ng tao.

Hindi sa pumapayag ako na simulan ang sex education sa mga napakamurang edad lalo na yung mga nasa kinder kung hindi ilagay lang sa tama ang lahat.

Kanina sa napanood ko sa ABS-CBN, sinabi ni Cabral na ang bata na edad tatlo pataas ay nag-eexplore na ng sarili kaya dapat maaga pa lang matutunan na nila ang mga bagay-bagay tungkol dito. I beg to disagree, nasa exploratory phase nga sila ngunit hindi pa sila nasa tamang gulang upang maintindihan ang kanilang ginagawa at m\ituturo sa kanila.

Although, di ako "fan" ni Sigmund Freud, naniniwala ako na sa "Phallic Stage" na sinasabi niya na kung saan ang mga batang edad anim ay nag-eexplore na nga sa mga iba't ibang parte ng katawan nila pero ang libido ay hindi pa present sa kanila. Kumbaga, natural sa lahat na mahawakan ang kanilang maseselang bahagi nang walang halong malisya o kaalaman sa kung ano ba ang ginagawa nila.

Sa isang banda, maganda rin naman na maimulat ang mga bata sa tamang "termino" na gagamitin sa bawat parte ng kanilang katawan. Naalala ko ang isang joke noon:

Teacher: Okay class, bukas magdala kayo ng flower.
Class: Yes teacher!
(Kinabukasan)
Teacher: O Nena, nasan ang flower mo? Di ba ang sabi ko magdala kayo ng flower?
Nena: Teacher meron po akong dalang flower. Eto po o! (Sabay taas ng palda at itinuro ang kanyang pekpek)

Itinuro pala sa kanya ng kanyang mommy na ang tawag dun ay flower.

Nakakatawa pero nakakabahala din di ba? Dahil sa iniiwasan ng mga magulang na mamulat ng maaga sa katotohanan ang kanilang mga anak ay ipinapalit ang ibang salita.

Bukod sa flower ay bird, egg, at ang pagkabuo ay dahil lang sa kiss o galing sa kawayan at kung anu-ano pang kwento para maligaw ang mga bata sa tamang kaalaman.

Ayaw kasi ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay magaya kay Maya ng "Bata... Bata... Paano Ka Ginawa?" na kung saan ay mulat na siya sa katotohanan at naiintindihan niya kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanyang paligid. Hindi siya lumaking mang-mang.

Ang Sex education nga ba ay nararapat? Oo, sa tamang paraan, sa tamang panahon at sa tamang edad. Kailangan ng mabusising pag-aaral at paghahanda. Hindi ito kasing dali ng ABCD o ng 123 na maituturo na lang basta sa kabataan.

Halik pa nga lang sa pisngi naghahagikgikan na. Cartoon animation pa nga lang na ipinapanood sa mga college students ay iba na ang epekto at reaksyon, sa bata pa kaya?

Mapanganib pero may pangangailangan.


4
Haha. Parang si Boy Bastos lang? Teka di ba sa highschool ang implementation neto? At i-integrate lang sa existing subjects ng mga bata?
based on what i've heard last time, as early as 6yo yata iintegrate na sa mga subjects kaso depende daw sa age yung ituturo siguro body parts muna.. yung tamang tawag tapos pag mga grade six na, dun na ituturo yung sex education mismo .. yung deed na mismo hehehehe joke ewan sa kanila. ang hirap kaya!
well kung tama ang dinig mo, tanga yung nagpropose at tanga din ang mag-implement. haha. mga grade 6 pataas naman sana.
Di ko rin masabi hehehe baka may dahilan talaga siya. Or sana nga sa kinder eh wag naman muna... too young to be exposed to topics like SEX.
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com