Kumusta naman ang blogosperyo? Medyo napatagal ang aking pananahimik at pagkawala.
Ngayon, sa ayaw at sa gusto nyo, heto na ako at nagbabalik loob sa pagsusulat ng kung anu-ano.
Muling pasimula ko ay ang mga napansin ko sa araw na ito na talagang tumulak sa akin na sumulat muli (naks! makatagalog lang)
(Heto na...)
Sa totoo lang hindi na ako sumasama sa nanay ko na pumunta sa palengke sa maraming kadahilanan na malamang magpapahaba lang ng post ko kaya hindi ko na ilalagay dito. Sa daan patungo sa palengke ay may isang puting sasakyan sa likuran namin na nagwang-wang at nang lingunin namin ay isang government vehicle na parang nagmamadali kaya ginamit ang ipinangako ni PNoy na hindi na gagamitin.
Isa pa ay ang isang mobile car na may sakay na dalawang Pulis. Akalain mo sa gitna ng isang busy at traffic na daan sa palengke ay nakuha pang tumaya sa JUETENG! Akalain nyo yun?!
Isa pang pasawa na napansin ko sa bandang tulay na may napakalaking karatula na may kulay pula at in capital letters na NO parking, NO U-turn, at NO Loading and Unloading ay may isang sasakyan ng gobyerno na naka-park at hindi lang basta bastang sasakyan ng gobyerno dahil nakapintura sa katawan ng sasakyan na ito ay sasakyan ng mga TRAFFIC ENFORCERS. Tsk tsk tsk...
Hoy! Gising!!!
Published with Blogger-droid v2.0.9